Talk:Mangatarem, Pangasinan, Philippines

From Philippines
Jump to navigation Jump to search
→ → Go back HOME to Zamboanga: the Portal to the Philippines.

. Sa paglipas ng maraming minuto, oras, araw, buwan, taon na ang binilang.. pero ang bayan ng MANGATAREM anjan lang... hindi tayo iniiwan... karamihan na sa atin datnan panawan na lang ang bayan natin... Umaasa rin siya na kahit paano.. lingunin natin ang ating pinagmulan...

... Umaasa rin siya na kahit paano... mabihisan siya ng maayos at maganda... unti unti nabibihisan siya... nagiging maaliwalas kahit paano ang mukha... nakangiti siya lagi sa atin kahit ang iba sa atin minsan na lang siyang dalawin... Malamlam ang mata pero may ngiti sa labi... bawat isang mapagpalang kamay na nag aalaga sa kanya unti unti nagkakaroon siya ng pag-asa...nagiging inspirasyon nya ang isang mapagmahal na kamay na umaalalay...Ang dating lumang bahay., unti-unti nagkakaroon ng magandang pagbabago dahil sa mga mahuhusay mag alaga.... ....Araw araw andun ang pag-asa... sa mga tulong ng mga taong tunay na nagmamalasakit... sa mga taong handang magsakripisyo para paglingkuran ang bayan natin... Hindi siya naiinip maghintay sa mga nasa ibang bansa na para dalawin siya... sa mga taong iniwan siya pansamantala... naghihintay siya para sabihin sa atin sa ating pagbabalik.... "ITO NA AKO... KAHIT PAANO MULA NG IWAN MO MAY PAGBABAGO NA.".. Kaya na kita ipasyal sa mga magagandang tanawing makikita mo ".. hindi ka na mahihirapan sa bakobakong dadaanan mo.. semento na dadaaanan ng sasakyan mo.." sa susunod mong pagdalaw sa akin... mas matutuwa ka pa kasi inaalagaan ako ng mga taong ibinoto mong pinagkatiwalaan mo para alagaan ako.".., may mga patubig na rin para sa palayan mo...Kaya sa pagbabalik mo.. maipagmamalaki mo na AKO..Maipagmamalaki mo .. TAGA MANGATAREM AKO..!!!! (^_^) .... ..... ( to be continued )

.... Part 2....

... Sa pagbabalik mo.... mga simple at unti-unting pagbabago ang meron ako...kaliwa't kanan man ang batikos na inaabot ko... pilit akong bumabangon at tumatayo... Hindi alam ng marami na bawat reklamong naririnig ko mula sa inyo... mga batikos at pangungutya sa mga pinuno... hindi nila alam ako ang higit na apektado.... Hindi naman ganoon kadali lang ang umasenso... Natural lang na dahan-dahan lang ito... Mas maganda daw ang resulta kapag nakuha sa tiyaga... Tamis ng tagumpay dahil sa mga nagmamalasakit at nag aalaga..


... Hindi kita masisisi kung bakit mas pinili mo ang mangibang bayan... at doon mo abutin ang magandang kinabukasan... Hindi ko kasi maibigay sayo ang lahat ng pangangailangan... wala pa kasi akong lakas at kakayahan para maibigay ko yan... simpleng buhay lang ang kaya kong ibigay... dahil kulang pa ang aking gabay... kapag matatag na ang pakpak ko... makikita mo na rin ang matayog na paglipad ko...

... Sa puso at diwa ko ako sa 'yoy nangangako... na sa bawat araw ng pag-dating at pag-alis mo... bawat pag-alis may katapat na pangako... bawat pag-dating andoon ang magandang regalo... Regalong ikaw ay mapapangiti... dahil unti-unti ng natutupad ang iyong mga minimithi... kahit hindi pa ganoon katatag ang aking mga haligi... taas noo na akong nagpupunyagi...

... Marami ang umaasa sa aking pag-unlad... Nagkataon lang na mabagal ang aking pagsikad... mga pinuno sa aking balikat, buong pusong tumutupad... sa tungkuling sinumpaan nagsisilbi ng tapat...

... Saan ka man naroon ngayon... sa ibayong dagat man sa dako paroon...Pangarap mong binuo sa ibang bayan ang tugon... Nasanay ka na sa magagandang tanawin... lagi mo ng kinukumpara ang malawak na bukirin... mas maganda na sa mata ang matatayog na "building " ... Tama na ang batikos at pang iinsulto... kung bakit hanggang ngayon ganito pa rin ako at walang pinagbago... nasanay ka lang ngayon sa magagandang tanawin sa kinalalagyan mo... kaya pati sarili mong bayan pinipintasan mo...

... Nasa europe ka man.. america man.. canada man.. australia man.. kahit saan man... kapag may nakakasalubong ka at tinanong ka... taga saan ka sa atin KABAYAN...? diba isasagot mo... TAGA MANGATAREM AKO.!!! ngayon panindigan mo na galing ka nga dito... mula sa puso..

... Marami kang naiwang kababayang mahihirap... pinipilit umahon at sila din ay nangangarap... matikman ang magandang buhay at makuntentong ganap ... matutupad mumunting pangarap dahil sa sariling pagsisikap... Marami rin ang mga magnanakaw... sa puso at damdamin kahirapan ang sinisigaw...

... Pero ngayon ang pag-asa ay nakadungaw na... ang MANGA na maasim ngayon ay manibalang na... pag ako ay binalatan loob ko ay kulay dilaw na... napipintong pag asenso nasa kandungan mo na...Ang mga dating pinuno nakalimutan na ako'y pahinugin.... pati ang TAREM ko ang kinalawang na rin...

... May mga bagong pinuno na sa akin ay nag aalaga... ang MANGA na maasim ngayon ay papahinog na... araw- araw din ang TAREM ko ay hinahasa... upang manumbalik ang kislap ko at ganda... Upang muling manumbalik ang dalawang kataga... pagsamahin ang alamat ng isang makata... MANGA at TAREM ay nag-iba na... sa kulay ng MANGA at TAREM na bagong hasa....

... Nakalimutan ng marami ang MANGA ay nahihinog na... tungo sa pagbabago at magandang pag-asa... hindi mo ba napapansin pag ang MANGA ay hinog na... Dilaw ang kulay ko mula balat, laman, pati na ang buto... ibig sabihin nun tuluyan na akong NABAGO... at panahon na rin ng PAGKAKAISA...Ang TAREM na kasama ko sa alamat na ito... Ngayon ay matalim na at bagong hasa... Puede mo ng isigaw na taga rito ka... Ipagmalaki mo ako ng buong puso't kaluluwa...MABANGO NA ANG MANGA... ANG TAREM AY BAGONG HASA...

... Samahan at suportahan mo ako tungo sa gusto mong pagbabago... makakalimutan ko ang sama ng loob sa isang matamis na ngiti mo...Sa muling pagbisita dito sa bayan mo., matutupad na ang isang pangako... Bawat isang umaga dala ay pag-asa... Bayan mong kinalakihan maipagmamalaki mo na...

... Nakakatuwang isipin na kahit nasa malayo ka... Simbolo ng bayan mo lagi mong nakikita... ang MANGA kahit anong hugis man siya... Nasa harap mo ang MANGA sa bansang banyaga...

... Ito lang ang aking maipapangako... sa bawat araw ng pagdalaw at pag-alis mo... Huwag mo lang kakalimutan... NA KUNG SAAN MO AKO INIWAN... DOON MO RIN AKO DADATNAN... dahil nasasabik ako lagi sa pagbabalik mo... upang ipagmalaki mong.... (^_^) TAGA MANGATAREM AKO (^_^)