Difference between revisions of "Bataan News"

Jump to navigation Jump to search
→ → Go back HOME to Zamboanga: the Portal to the Philippines.
2,512 bytes added ,  12:11, 12 January 2012
no edit summary
Line 10: Line 10:
<tr><td align="center"></td></tr>
<tr><td align="center"></td></tr>
</table></div>
</table></div>
==Tagalog News: Bataan, Bulacan, nanguna sa Civil Service exam==
*Source: http://pia.gov.ph/?m=7&r=r03&id=72158
*By: Vinson F. Concepcion
*''January 12, 2012''
Hindi biro ang kumuha ng civil service eligibility exam, sa katunayan, marami ang bumabagsak dito at makailang umuulit hanggang sa pumasa. Kung kayat isang karangalan ang pumasa dito; mas kahanga-hanga kung manguna ka.
Dalawang lalake mula sa Bataan at Bulacan ang nanguna sa Career Service Examinations sa Rehiyon III ng Civil Service Commission (CSC) na igagawad ang mga sertipiko sa mga pumasa ngayong 1:00 p.m. sa SM City Pampanga Event Center.
Si Ezekiel Roel Rodriguez ng Balanga, Bataan ay nakakuha ng gradong 87.43 porsiyento, una sa 754 na pumasa mula sa 5,637 kumuha ng Professional Level ng pagsusulit.
Namayani naman si Michael De Leon ng Sta. Maria, Bulacan na may gradong 87.26 porsiyento sa Sub-Professional Level kung saan 148 ang nakapasa mula sa 1,165 kumuha.
Sinabi ng CSC na 10,866 ang nakapasa mula sa 94,251 kumuha sa isinagawang pagsusulit noong Oktubre 16, 2011 sa buong bansa. Ito ay may katumbas na 11.53 porsiyentong passing rate.
Kabilang sa 10 may pinakamataas na grado sa Gitnang Luzon para sa Professional Level sina Maria Ana C. De Jesus ng Dinalupihan, Bataan, 86.76%; Arnel C. Lalic ng Mexico, Pampanga, 86.68%; Florhen Grace C. Mallari ng Lungsod ng San Fernando, Pampanga, 86.51%; Kim Charmaine Q. Cortez ng Calulut, Lungsod ng San Fernando, 86.08%; Kimberly Anne P. Francisco ng Lubao, Pampanga, 86.02%; Clarence Y. Magtoto ng San Agustin, Lungsod ng San Fernando, 85.85%; Werlo M. Palomar ng Lupao, Nueva Ecija, 85.79%; Jeremiah P. Pascual ng Lungsod ng Malolos, Bulacan, 85.76%; at Joseph Conrad Q. Isidro ng San Rafael, Bulacan, 85.73%.
Para sa Sub-Professional Level, kabilang sa sampung pinakamataas sina Jason A. Duero ng Dinalupihan, Bataan, 85.92%; Robin James G. Magsilang ng Sto. Domingo, Nueva Ecija, 85.32%; Francisco S. Roxas ng Norzagaray, Bulacan, 84.92%; Michaela P. Buenaventura ng San Miguel, Bulacan, 84.81%; Pamela F. Delos Reyes ng Cuyapo, Nueva Ecija, 84.68%; Eunice M. Sadsad ng Lubao, Pampanga, 84.68%; Angelique T. Salazar ng Sta. Maria, Bulacan, 84.54%; Cynthia E. Magat ng Orion, Bataan, 84.21%, Charles Dondon E. Centeno ng San Miguel, Bulacan, 84.05%; at Christine S. Austria ng Talavera, Nueva Ecija, 84.01%.
Ang mga pumasa sa pagsusulit sa mga testing center sa Nueva Ecija ay pagkakalooban ng sertipiko sa Enero 16 sa Mega Center Entertainment Plaza, lungsod ng Cabanatuan.
==Bataan opens Mt. Samat zipline==
==Bataan opens Mt. Samat zipline==
*Source: http://www.mb.com.ph/articles/347699/bataan-opens-mt-samat-zipline
*Source: http://www.mb.com.ph/articles/347699/bataan-opens-mt-samat-zipline
43,102

edits

Navigation menu