Difference between revisions of "Joseph de Leon"

From Philippines
Jump to navigation Jump to search
→ → Go back HOME to Zamboanga: the Portal to the Philippines.
Line 490: Line 490:
Image:29032009851.jpg
Image:29032009851.jpg
Image:29032009848...jpg
Image:29032009848...jpg
Image:PAP 0011...JPG
</gallery>
</gallery>

Revision as of 17:26, 7 February 2010

Connect with Family! Connect with old friends! Click on any letter below.

A | B | C | D | E | F | G | H | I | J | K | L | M | N | O | P | Q | R | S | T | U | V | W | X | Y | Z
Create Name's page

Quotes to learn from!
"When I hear people say that money seldom brings happiness, they forget to add the word "obsession" before "money." Heck, nobody can survive in this modern world without money, let alone be happy." ― Franklin H. Maletsky

Joseph de leon.jpg

Bio data Joseph de Leon

Born: Labuan_Zamboanga_City_Philippines - 1972

Schools Joseph de Leon attended

*Elementary: Labuan Central School (1979-1985) Batch 1985

            My Teachers ( As far as I can remember today,Feb. 7, 2010-JAPAN)
            Grade 1: Mrs. Flores of Miluwao,Patalon (S.Y. 1979-1980)
            Grade 2: Mrs. Abolencia (1980-1981)
            Grade 3: Mrs. Reyes of Lower Calarian (S.Y.1980-1981)
            Grade 4: Mrs. Canonigo of San Ramon (S.Y. 1981-1982)
            Grade 5: Mrs. Reyes : Science Teacher-Mrs.Guinilac; 
                     SHOP Teacher-Mr. Sotto  P.E.: Teacher: Mr. Carpio
            Grade 6: Mrs. Emma Fernando and Mrs. Navarro 
                     Art Teacher- Mrs. Ufana 
                     SHOP Teacher: Mr. Ranchez

JOB:(Since Grade 1) Vendor during Recess ( Suman, Bukayu, Poto,Bibingka etc)

    Vendor during Saturdays and Sundays ( Coffee, Brooms, 
                          Vegetables)                       
            

*High School: Zamboanga School of Arts and Trades - Batch 1989

             My Teachers:
             First Year:  Ms. Vicky Alacre
             Second Year: Mrs. Alacre of Camins Road
                          Biology Teacher: Mrs. Zenaida.....
                          Drawing Teacher: Mr. Limen & Mr. Miranda
                          Algebra Teacher: Mrs. Fernandez
                          English Teacher: Mrs. Rondina of San Jose Gusu)
                          Elective Teachers: Mr. Sustiguer,Mr. Limen, Mr. Esperat
                          Filipino Teacher: Mrs. Venus Estrada of San Roque
                          Araling Panlipunan: Mrs. Alacre
                          
                  
               Senator: Supreme Student Council  

JOB: DOLE SWAP-Summer Works Appreciation Program ( Road Sweeper during Summer)


*College: ZCPC Bachelor of Science in Industrial Education major in Industrial Arts - Batch 1993 and 1994

              President: Teacher Education Student Assembly (TESA)
              Senator: Supreme Student Council
              P.I.O.: Supreme student Government
              Extemporanious Speech Representing ZCPC

JOB: Waiter: Shakey's Pizza Restaurant ( 6:00 PM to 2:00 A.M)

            Lion's Den Restaurant ( 6:00 PM to 4:00 A.M)
    Sales Rep.: Esti Rial Corporation (Every afternoon after Class and
               summer time)

*Post Graduate: WMSU: Master of Arts in Education major in Educational

                     Administration (1995-1999: Every Saturdays, and Summer 
                     Classes)
             Positions held: President of Summer Graduate Students Association

Master of Arts in Special Education (1 sem. before I left to teach in Japan in 2005).

JOBS: Live-in Teacher & House Father: Saint Francis House of Orphanage (Apr.-May, 1994) Researcher: Pulse Asia Cebu City ( June-July 1994) Professional School Teacher: Ayala National High School ( Jan.-Mar. 1995)

                            Vitali District ( June-March, 1995)
                            ZCHS-Main (April 1995-July, 2005)

English Teacher: Heart English International School-JAPAN (August, 2005 to date) Emcee: DepEd Events

Charity Works: Vice-Pres.: LAHI Association ( Sept-Dec. 2008)-Japan

              Founder: The ULILA Foundation (Dec. 1, 2008 to date)
                       www.ulilafoundation.jappinoy.com
                       www.josephsdeleon.webs.com

Writer: Jeepney Press Newspaper-JAPAN

       Column: J-Way (www.jeepneypress.com)

Singer: Tokyo Events Emcee: Tokyo Events



Other Courses: Associate in Caregiver Course: Saint Augustine School of Nursing, Guiwan,Z.C.

Organizations or Companies Joseph de Leon Affiliated with

Founder: The ULILA Foundation (JAPAN)

        www.josephsdeleon.webs.com
        www.ulilafoundation.jappinoy.com

Teacher: Heart English School-JAPAN

        www.heart-school.jp

About Joseph de Leon

Job: English Teacher (Japan)

Born in Labuan, Zamboanga City in 1972 and left the place in 1985, Mr. Joseph de Leon is an Assistant English Teacher in Japan who never forget the poor children of his hometown in Zamboanga City particularly in Labuan and Lawingan. He started collecting clothes and school items in Japan and send them to the Philippines for free distribution to indigent children .On December 1, 2008, He established The ULILA Foundation (www.ulilafoundation.jappinoy.com)(www.josephsdeleon.webs.com) in Japan which aims to collect used/new clothings and other usable items for the indigent Filipino children in his hometown in Mindanao. He collects usable items from his neighbors and friends after his teaching job and did this daily since December 1,2008 until now , send those items in Zamboanga City and Manila. Last March 2009, he visited the Philippines for one Month and did his outreach mission in Zamboanga City with his former students as volunteers. From Dec. 2008 to January 2010, he was able to collect and send a total of more than 20,000 pieces of assorted school supplies, more than 10,000 pieces of clothings and still on going with his daily collection of relief goods after his daily teaching job in Japan. He also gives free English classes to Japanese Children in his community aside from being the town's only English Teacher. Read more

Mr. Joseph de Leon inspired other people in Japan not to throw their usable relief goods and made them realize that there are children on the other part of the world (Philippines) who need them. Japanese children and Teachers in his town in Japan and his neighbors are so happy to donate clothings and other items for the indigent children after Joseph introduced the Foundation to the school officials and students in Japan. He was able to help many indigent children in Zamboanga City wear good clothes and have school supplies even he is miles away from them.

Mr. Joseph de Leon's life experience as an idigent orphan made him promise to come up with a Foundation to help the children like him. It was already in his mind to do what he is doing now even before he left the Philippines. When he arrived in Japan, he discovered that Japanese and other residents in Japan have many usable items that they don't use and just throw them during garbage collection days. This finally made him come-up with the Foundation's goal of collecting relief items for the indigent children inspite his hectic teaching schedule.


Mr. Joseph de Leon grew up as an orphan. He is a living example for all the orphan and indigent children of the world. He deserves to be a Hero for his effort to survive from his difficult life as an orphan and his effort to help the children back after reaching his dreams. He lives and works in Japan since 2005 and have shown other people how strong he is and his positive outlook in life inspire other Foreigners in Japan not to dwell on homesickness but to be of help for others.

MY LIFE STORY: (Tagalog Version)

Dedicated to all the indigent and orphan children.

CHAPTER I:

Tawagin niyo na lang ako sa pangalang “Joey o Joseph”, Founder ng JOSEPHSENSEI Foundation now known as " The ULILA Foundation" at isang guro ng Ingles dito sa Japan kahit di naman ako Major in English. Tubong zamboanga City po ako.Ngunit ang nakamit kong kaginhawaan sa buhay ngayon dito sa Japan ay hindi ganon kadali.

Pinanganak ako noong July 29, 1972 sa isang barrio sa Lungsod ng Zamboanga. Sa di nalalamang dahilan, naghiwalay ang mga magulang ko paglipas ng tatlong buwan ng pagsilang ko. Iniwan ako sa lola’t lolo ko na magulang ng tatay ko. Ang tatay ko naman ay pumunta sa bayan (36 kms from our house sa bundok) upang doon na magtrabaho at kalimutan ang paghihiwalay nila ng nanay ko. Dahil sa matanda na ang mga grandparents ko, di ako nabigyan ng tamang pag-aaruga na tulad ng isang ina. Sabi pa ni lola, tuwing iiyak ako dahil gutom, wala siyang gatas na maibigay sa akin kundi ang sabaw ng lugaw, hanggang sa lumaki ako hanggang 4 years old. kasama ko sa bahay kubo ng lola ko ang dalawa kong ate. May kuya ako na noon ay 7 years old pa. Naglayas din siya at simula ng paghiwalay ng magulang ko, di na rin nagpakita ang kuya ko.Walang kuryente ang lugar namin kasi nasa bundok kami. Sa ilog dumadaan papunta sa amin. Alas sahis pa lang ay natutulog na kami kasi madilim na, tangi ang liwanag ng buwan at lampara ang nagbibigay liwanag sa aming munting kubo. Ganito nagdaan ang mga araw hanggang ako’y 7 years old na at mag-aaral na sa Grade 1.

Ang akala ko noon ang tunay kong mga magulang ay sina lolo’t lola ko. Isang araw, dumating sa amin ang isang lalaki na may dala dalang tinapay. May isip na ako noon kasi 7 years old na ako. galing kami ng ate ko maghanap ng kahoy sa bundok nang marinig namin ang boses ng lola ko….” Joseph ! nandito ang tatay niyo at gusto kayong makita…” Nabigla ako at sa mura kong edad, wala akong maisagot. Umakyat kami sa bahay at nakita ko ang isang lalaki nakaupo sa sahig (kasi wala kaming upuan). Sa ilang sandali pa’y lumapit sa akin at nagtanong, “ikaw na ba ang bunso ko? ” sabay yakap. Nabigla ako at di ko maintindihan ang mga pangyayari…

Sino po kayo?” tanong ko sa lalaking iyon. ” Ako ang tatay mo, ako si Jose”, malambing at matipunong boses galing sa kanya na sabay hawag sa mga pisngi ko habang nakatitik siya sa mga mata ko. ” Hindi po, di po kayo ang tatay ko, siya po ang tatay ko” Sabay turo ko sa lolo ko habang tumutulo ang luha sa takot at di maintindihang sitwasyon. “Oras na para malaman mo anak” sabi ng lolo ko sa akin na lumuluha din ang mga pagot niyang mga mata. ” Ano po yon Tay?” Ano po yon Nay? hu hu hu ! ” tanong ko kina lolo’t lola. ” Siya ang tunay mong tatay, siya!” sagot ng lolo ko. Tumakbo ako palabas ng bahay at umakyat sa puno ng bayabas (100 meters mula sa bahay) at doon umiyak. Dito ako palagi tuwing nalulungkot ako kasi tanaw ko ang dagat mula sa bundok.

Ilang minuto pa ay natagpuan din ako ng tunay kong tatay doon sa puno ng bayabas at doon niya ikinuwento sa akin ang lahat na nangyari. ” Eh kung kayo ang tatay ko, nasaan na si Nanay?” tanong ko sa kanya na para bang uhaw sa pag-aaruga ng isang ina. “kasama mo ba siya? Gusto ko siyang makita’t yakapin din. nasaan na si Inay? Nasaan?” Mangiyak-iyak kong tanong.

Ngunit ang lahat ay huli na, Pitong taon na ang nagkalipas at kahit tatay ko rin ay wala nang balita tungkol sa nanay ko. ” Huwag na natin agkasayahin ang panahon na hanapin pa siya. Niloko niya ako, niloko niya tayo”. Ngunit ang mga pagpapaliwanag na yon hindi di ko pa masyadong maintindihan dala ang aking mumurahing edad. Masaya na ako at bumalik ang tatay ko. “Nasaan na pala ang dala mong tinapay kanina?” Tanong ko sa kanya kasi sa buong buhay ko sa panahong yon, ay pangalang beses ko pa lang magkakatikim ng tinapay, lagi na lang saging at kamote. “He he he…..Paborito mo ba ang tinapay? pasensya ka na at di ko na alam ano ang ayaw at gusto niyo.” Sagot ng tatay ko. “hali ka, uwi na tayo sa bahay para magkain mo na ang tinapay.<

Paglipas ng dalawang oras na kami`y makasama….” O anak, magpakabait kayo dito ha at ako`y babalik na sa bayan para magtrabaho.” Sabi ng tatay ko. ” Eh, akla ko ba babalik ka na dito? Iiwanan mo lang pala kami uli eh..huhuhu..

Umalis nga uli si tatay at bumalik sa bayan dahil doon siya nagtatrabaho at muli kaming iniwan kina lolo`t lola.

Paglipas ng Isang buwan ay pasukan na. sabik ako magkatunton sa baba sa may kalsada ( 2 kms. mula sa bahay) kasi doon ang aming paaralan. First time ko magpunta sa paaralan at sa baba ng bundok. papasok na ako sa Grade 1…..

Buwan ng Hunyo 1979 ay ang buwan na una kong nakita ang isang maliit na bayan ( o sentro) ng aming barrio. Alas kuwatro pa lang ng umaga ay gumising na kami ng ate ko . ” Dahan dahan lang at madilim..saan na ang posporo?” tanong ko kay ate. ” Andyan sa altar. kinapa ko ang altar at nahanap ko ang posporo na ginamit namin kahapon sa pagsindi ng lampara at nag rosaryo. ” Sige ate, isindi ko na ang lampara “..sinindi ko ang lampara at dahan dahan lumakad para sa pintuan ng kubo naming gawa sa sako ng bigas at kawayan. ” Joseph dahan dahan sa paglakad at baka magising si lola”. Sabi ni ate.

Lumakad kami papuntang alulod sa paanan ng bundok sa may malaking bato. Doon mayrong kawayan saan umaagos ang tubig. Dala dala ko ang Balde at tabo para mag-igip ng tubig at gamitin sa pagsaing ng saging (walang bigas). ” Ate, nakikita mo ba ang nakikita ko? ” tanong ko kay ate..” Ano yon nakikita mo, Joseph?” tanong naman ni ate na parang may takot siya. ” May taong nakaupo sa taas ng bato saan nakatusok ang kawayan alulod, at may hawak na malaking sigarilyo!” ….” Ayyyy….takbo Joseph, takbooo….May kapre!!!!! ”

Tumakbo kami pauwi sa bahay at hindi na nakaigip ng tubig. Kailangan alas singco ay magkaalis na kami ng bahay para maabot namin ang maagang pila sa school. lalakad pa kasi kami ng isang oras mula sa bahay pababa sa paaralan. Hindi na kami nagkaluto ng almusal naming saging at bumaba na kami dala dala ng P50. pang enrollment na bigay ni tatay. Bitbit ko rin ang naipon kong walis tingting na ginawa ko noong nagkalipas na linggo. ” Ate , masakit ang paa ko.” sabi ko kay ate. ” Magtiis lang tayo, balang araw magkakasuot din tayo ng tsinelas” sagot ni ate sa akin na sa palagay ko ay nasasaktan din ang paa niya sa paglakad na walang tsinelas. “Walis, walis kayo dyan..walissssss!” sigaw ng munting boses ko habang lumalakad sa daan papuntang paaralan. ” Noy, hali ka dito, ikaw ba ang apo ni Menang? Malaki ka na ha. Sayang at iniwan kayo ng wala nyong kuwentang ina! hali ka , bigyan mo ako ng dalawang walis….magkano ba isa yan? ” Tanong ng mama sa akin. ” 10 sentavo po isa..eh 20 sentavo po itong dalawa.” sagot ko sa kanya sabay abot ang dalawang walis tingting. ” ahh,,matalino kang bata ah…o eto, kunin mo na itong 50 sentavo, tulong ko na sa inyo magkapatid”, may-awang sagot ng mama.

Si menang ay pangalan ng lola ko at kilalang kilala siya sa baba (barrio proper ) dahil isa siyang manhihilot noong malakas pa siya.

Tinuloy namin ang paglakad ni Ate hanggang sa dumating kami sa paaralan. “Wow ate, ang ganda ng bag ng mga bata, tingnan mo. At hindi lang tsinelas suot nila, may sapatos pa!” Sabi ko sa ate ko na noon ay 9 years old na at sabay kami mag grade 1. ” Tumahimik ka nga diyan Joseph, tingnan mo na lang, ako rin nasisiyahan sa kanila. Kung di sana tayo iniwan ni…..” malungkot na sagot ni ate. ” Iniwan nino? ni mama natin? yon ba ibig mong sabihin ate? Tingnang mo sila lahat dito, may kasamang mga magulang, eh tayo wala”. medyo pasigaw na sabi ko kay ate. ” Huminahon ka nga dyan, bakit ako puwede naman maging magulang mo, di ba?” sagot ni ate.

Nagdaan ang mga araw, at buwan at natupad ang pangarap namin mag grade 1. Mag November na at malapit na ang christmas. Nakikita na namin mga parol nakasabit sa paaralan. Sa kalagitnaan ng buwan ng Nobyembre, kailangan huminto si ate sa Grade 1 para may magtatanim ng gulay sa kaingin at ako na lang daw ang magpatuloy sa pag-aaral. ialay niya daw ang serbisyo niya sa akin para magkatapos ako. Ganon nga ang nagyari, huminto si ate at ako na lang ang nagpatuloy. Tuwing hapon, pagdating ko sa bahy, magmano kay lolo’t lola, ay dederetso ako sa bundok dala dala na rin ang aking papel para mag-aral habang lumalakad. Pagdating sa mga gulayan, tutulungan ko ang ate ko sa pagkuha ng kamote tops at iba pang gulay. Kinabuksan, Dindala ko ito sa school at binebenta sa mga teachers tuwing recess. Sa hapon naman, bibili na ako ng isang kilong bigas at bagoong . Ang pagkain na ito ay parang Fiesta na sa feeling namin. Napagkasarap kumain ng kanin sa panahong yon dahil nasanay na kami sa saging lang ang pagkain.

May mga araw na pumupunta ako sa trushcan para maghanap ng papel yong wala pang sulat sa likod. Yon ang ginagamit ko kasi wala akong papel. Tuwing recess naman, lagi ako tumayo sa gate ng school, nag-aabang na sana, isa sa mga araw na yon, ay darating ang nanay ko at bibigyan ako ng pagkain. Ngunit walang dumating. Ang lolo ko naman pagminsan pag may pera ay pinupunthan ako sa school at magdala ng kanin na nagbalot sa dahon ng saging. Kung wala naman, inaabangan ko mga kaklase ko magtapon ng kanilang sobrang pagkain at nagvovolunteer ako ako na ang magtapon at maghugas ng baunan nila. Doon ko kinakain ang sobra nila sa may Classroon Corner.


Ganito ang buhay ko araw araw,. Tuwing Recognition day, may honor ako lagi at ang lola ko ang nagpipin ng ribbon sa akin. Noong nasa Grade IV ako, wala akong sapatos para sa recognition day, ang ginawa ko, gumawa ako ng sandal gawa sa ginete ng niyog, yong brown ng niyog. Hindi ako nawaln ng pag-asa at tinuloy ko ang pag-aaral habang nagbeneta ng mga gulay, suman, walis at iba pa. hanggang dumating ang buwang ng Marso 1985 at ako’y gagraduate na sa Elementarya.Problema ko ang aking sapatos at damit.

Isang araw bago ang graduation ko sa Elementary, dumating ang tatay ko at may kasamang babae. Pinakilala niya na yon ang magiging Stepmother namin. Dala dala nila ang sapatos ko pang graduation na hiniram nila sa uncle ko daw doon sa City Proper saan sila nagkatira (36 kms ang layo). malkai ang sapatos sa akin kasi 13 years old ako at ang may ari ng sapatos ay 24 na. Para makasya, nilagyan lang ng papel sa dulo ng sapatos at para akong duwende. Ngunit dahil sa mga paghihirap ko sa buhay, di na ako nahihiya noong panahong yon basta magkakaakyat lang ako sa stage at kunin ang diploma ko. Ang tatay ko na ang nagpin ng Ribbon ko.

Sa araw ng graduation. lahat mga kaklase ko puro bago ang suot, ang sa akin, bagong kula.

Pagdating sa bahay namin after ng graduation, pinapakuha na ni tatay ang mga damit ko. Dadalhin daw ako doon sa kanila para doon na ako mag high school . Tatlo daw kami magsama sa bahay, tatay ko, ako at ang Stepmother ko. Ayaw kong sumama, ayaw din ng lola ko. Niyakap ko si lola… ” Lola , huwag mo ako ibigay sa kanila, hu hu hu..Dito lang ako sayo lola!” Umiiyak ako. Hinila ako ng tatay ko hanggang nailayo niya ako kay lola. sabi nila ipapaaral nila ako sa magandang paaralan, may bagong bag, sapatos etc. Wala nang nagawa si lola kundi ibigay ako sa kanila. Habang papalayo ako sa bahay, dama ko ang sakit na iiwanan ko sila after 13 years na magsama kami sa hirap. Umiiyak din si ate. ” Paalam sa inyo, lola salamat sa lahat…ate..babalik an kita…lolo, puntahan mo ako ha…” sigaw ko sa kanila habang umiiyak at papalayo sa bahay.


CHAPTER II:

Pag-alis namin doon sa lugar saan ako lumaki, sumakay kami ng Bus. First time ko sumakay ng bus...Ang saya ng feelings ko dahil nakasakay ako ng Bus, pero malungkot dahil maiiwan ko na sina lolo,lola at Ate ko na sila ang ang nakilala kong pamilya. Habang nasa Bus ako, nagkatayo lang ako kasi puno ang bus. nagkaupo tatay ko pati madrasta ko. Sabi ko, bakit tumatakbo ang mga niyog? Yon pala ganon talaga pag nasa bus ka then tumitingin ka sa mga puno..... Paglipas ng dalawang oras, nakikita ko na ang daming mga jeep, maingay, mausok, walng mga ibon, puro tao. Nababaguhan ako. Maya-maya pa'y bumaba na kami at bitbit ko ang Rosaryo na bigay ni lola ( na dala ko hanggang ngayon dito sa Japan) , konting damit na nakabalot sa sako ng bigas at ang ala-ala ng ate ko, tali gawa sa abaka na ni-weave niya. Pagdating namin sa tirahan nina papa ko, hindi pala sa kanila ang bahay. Nagrerent lang sila ng room. gabi na kami dumating at pagkatapos kumain, oras na ng pagtulog. Akala ko sa gitna ako matutulog or sabay sa room nila. Sabi ng tatay ko doon daw ako matutulog sabay sa kanila, pero sinigawan siya ng madrasta ko na hindi puwede doon sa loob kasi malinis ang kanyan kama. Doon na lang ako natulog sa baba ng mesa sa sala. Masaya na rin ako doon kasi walang butas ang dingding, di tulad doon sa amin. kung dati puro awit ng ibon ang naririnig ko, dito mga sigaw ng tao at nagtitinda ng balot. Kinabukasan, akala ko masaya ang buhay ko, umaga pa lang maingay na sa room nila , yon pala nag-aaway sila kasi galit ang madrasta ko na kinuha ako ng tatay ko, additional gastos daw ako sa budget ng pagkain. Doon, wala pang almusal naglinis na ako ng kubeta..sabi ko ang ganda ng kubeta nila,gawa sa semento samantala doon sa bundok, umaakyat kami sa puno ng bayabas (e sino naman ang magtuturo na gumawa ng kubeta doon sa bundok). Maaga pa lang naglilinis na ako ng kubeta, tapos naglaba ng damit nila, tapos naglampaso ng sahig, nagpakain sa manok pangsabong ng tatay ko. At 9:00 AM, tinawagan na ako ng tatay ko para mag almusal. wala siyang work sa araw na yon kasi sabado. Isa siyang mekaniko sa motorpool. Noong nasa mesa na kami, iba pala ang ulam nila, adobo, iba sa akin..bagoong. Decisyon ng madrasta ko yon para menos gastos daw. sabi ko naman ok lang kasi masarap na yong bagoong para sa akin. Ang kanin nila yong bagong luto, sa akin yong tira sa gabi. Pero masarap naman.


Paglipas ng isang buwan, Mayo na at enrollment na para sa high School. Nag-aaway na sila kasi ayaw ako paaralin ng madrasta ko. Sabi ko nagpromise kayo sa akin kaya ako sumama kasi gusto ko mag aral. Sabi ng madrasta ko, walang aral-aral, kahit sila di nagtapos ng pag-aaral. Pumasok ako sa kubeta at naglinis uli ng dingding nito habang umiiyak. kasi kita ko mga ibang bata kasma parents nila pumupunta na sa school para mag-enroll. After 30 minutes, natapos ko ang paglinis ng kubeta, eh di ko mabuksan ang pinto. Niluck pala ako sa labas. Pagpasok ng tatay ko galing sa paghimas ng manok niya, hinanap niya ako. Sabi ng madrasta ko, nasa loob ng CR ayaw lumabas at nagsasayang ng tubig sa lobb..eh di nga ako nagbukas ng gripo, dala ko ang balde. Pinalo ako ng tatay ko.


Doon nag umpisa ang kalbaryo ko sa piling ng madrasta ko. Bawat oras sampal dito , palo doon. Kurot dito kurot doon habang inuutusan ako. Pagdating ng July, di pa rin ako nagkaenroll sa High School. Nakiusap ako sa kanila, gawin na nila akong alila basta paaralin lang nila ako. bahala na walang pagkain sa school kasi sanay naman ako sa amin noon. May mga panhon mabait naman siya sa akin, sa isip ko baka may sariling problema din siya sa kanila.Alam ko deep inside mahal niya ako.Pinautang nila ako ng P120. pang enrollment sa usapng babayaran ko yon. Sabi ko, ok lang maghahanap ako ng paraan. So nagka enroll na ako. Wala naman akong papel, notebook at bag. Buti na lang ang kapitbahay ay minanmanan pala ang buhay ko doon at nagbigay ng lumang notebooks at bag ng anak nila. So inalis ko ang mga may sulat na at inisa ko ang mga malinis pa at tinahi.


Maaga ako gumigising para magluto ng almusal nila. tapos pupunta na ako sa school, this time may tsinilas ako bigay ng kapitbahay. Habng sa school ako, serious talga ako sa pag-aaral at ako ang naging leader sa classroom at katiwala ng teacher namin. Ako ang tagacheck ng mga quizzes namin. Marami akong tamad mag-aral na classmate pero mayayaman. Kinaibigan ko sila. sabi ko ako taga check ng papel. Ag ginagawa ko ay pumupunta ako sa knaila at sabi ko piso kada isang answer sa test na di nila sinulat. Puwede nila isulat ang answer pero kailangan imemorize nila yon at magaral uli para magtanong si maam alam nila at hindi bistado. efrfective nga yon kasi after the test sila nag-aaral at namemeorize nila ang lesson habang ako kumikitapara panggastos at pampatulong sa bahay. medyo mali nga sana yon gawa ko noon pero sa situwasyon ko, ginawa ko na lang. anyway natuto pa rin sila. tuwing exam namin, may usapan na kami, pag kaliwang kamay ko ang kikilos, A ang answer, pa kanan B, pag kaliwang paa C. Pero ang uupo sa likod ko dapat magbiagy muna ng ppudding. so after the test, marami akong pudding, kinakain ko ang isa then ibenta ko ang iba.Pagdating ko sa bahay galing sa school, trabahao agad kundi di ako magtrabaho agad, di ako makakain. May mga araw naman na mabait ang madrasta ko sa akin.

Ganon nagdaan ang mga buwan,at taon.Araw araw palo at kurot sa madrasta ang abot ko sa di malamang dahilan. Hanggang dumating ang isang araw, noong nasa fourth year High school ako. Sabadao yon, galing ako sa CAT Training pang officer, sumali ako. Sa training namin, gumugulong kami sa putik at jogging. Pagdating ko sa bahy , gutom talaga. Binuksan ko ang kaldero, nakita ko may kanin. kumuha ako at kumain. Nung nakita ng madrasta ko, minura ako at kinuha ang kanin kasi dapat daw magpaalam at maghintay sa kanila. Apat na taon ko tiniis ang pagsakit nila sa akin. noon araw na yon, handa na ako humarap sa anong magyari sa buhay ko kung maglayas ako. Hinayaan ko na na di ako kakain. Umupo ako at nagpahinga, lumapit sa akin ang madrasta ko at sinigawan ako...eh 16 na ako noon. Di ko nakontrol ang sarili ko at sinigawan ko rin siya..." Hindi ikaw ang nanay ko, leave me alone! Get away from my life!" sigaw ko. Kumuha siya ng dos por dos at pinalo ang ulo ko pero binara ko yon gamit ang kamay ko at nahiwa ang braso ko at sumirit ang dugo. Bigla siyang umiyak, sumigaw siya na sinuntok ko siya...nag imbento siya para save siya sa nangyari sa akin. Nilapitan ako ng tatay ko at sinuntok ako sa tiyan. Nawala ang hininga ko pero sa courage kong mabuhay...kahit nawawala ang boses ko, sinigwan ko tatay ko..." O sige, aalis ako dito. Pero ito alalahanin mo, madali mong makita ng ibang asawa, pero mahirap palitan ang isang anak!" Yon lang ang huling salita ko at tumakbo na ako saan saan at lumayo sa kanila. Pagdating ng gabi doon ako sa tabi ng dagat nag aabang ng fishing boat para magkapulot ng nahuhulog na isda at ibebenta para may pampakain ako. Sa raw tuloy pa rin ang last month ng pag-aaral ko para magkatapos ako ng high school. natutulog ako sa Grandstand, sa tabi ng buildings.

March 18, 1989, ay naggraduate ako ng high School. naghiram ng pangsuot sa mga tinutulungan kong kaklase. Pag akayat ko sa stage para tanggapin ang medal ko, nakita ko sa hagdan ng open stage ang lolo ko ang at masayang tumitingin sa akin. After 4 years doon na kami uli nakita. May dala siyang graduation gift ko na saging. Kasama niya daw ang ate ko kasi magtatrabaho na ang ate ko sa bayan kasama ang tatay ko. Magiging housemaid daw ang ate ko doon sa amo ng tatay ko para magkatulong sa akin kahit papaano sa pangcollege ko. Pagkatapos ng graduation, nagkanya kanya na kami at ang lolo ko ay bumalik na doon sa tatay ko. sabi ko sa lolo ko di ako magpakita doon. Nagpromise ako na babalik ako doon pagkatapos ng College ko.

CHAPTER III:

Buhay Mag-isa sa College...

Pagkatapos ng graduation ko sa High School, nagpaalam na ako sa lolo ko at nagpasalamat sa dala niyang saging. Dala dala ko yong saging at bumalik ako sa hiding place ko sa Boulevard (500 Meters mula sa Schhool ko) at katapat ng Dagat (Boulevard) ay ang Grandstand ng Zamboanga City na noon ay gawa pa sa kahoy ang mga bleachers. Umupo ako sa tabing dagat at nagpapasalamat sa diyos at nalulubog na araw sa pagtapos ko ng aking High School. Gusto ko sana maging Doctor pero sa isip ko di na yon matutuloy kasi wala ako panggastos. Habang nag-iisip, kinakain ko ang saging at masayang nagcelebrate mag-isa. Matatag ang loob ko kasi maganda ang foundation training ng lola ko sa pagrorosario. Alas sais na noon at nagrosaryo ako sa tabing dagat kasi yon ang nagkaugalian ko sa bundok kasama ang lola ko. Di ko napansin na dumidilim na pala. Sa paligid ay may mga bata na rin dumarating na galing kung saan saan dala ang kanilang karton. karamihan ay muslim. Nilapitan ko ang tatlong mga kaedad ko sa isang tabi. Doon sila nagkekwentuhan at para bang ang saya nila tatlo. Madungis at halatang di nagpalit ng damit. Shinare ko ang saging na dala ng lolo ko. Naging close kami at doon ko nalaman na sila din ay lumayas sa bahay nila dahil wala raw pagkain doon sa bahay sa tabing dagat. sabi ko, ako naman ay taga bundok, maraming saging doon sa amin. Nagtawanan kami. Maya-maya pa ay naglabas ng papel at parang dahon ang isa sa kanila. Niroll nila yon at gumawa ng apat na parang sigarilyo. Sinindi nila ito at ang isa ay binigay sa akin. Sabi ko, ok pala dito sa inyo, sharing ha... Sabi nila , sigi masaya dito. Sipsipin mo na ang isang sigarilyong yan, ang tawag diyan ay mariwana. Sabi ko ah, mayron sa amin yan (nagsinungaling ako para di nila isipin na spy ako o kalaban ko nila.) at nagtetake ako niyan (pero hindi). Huminto na ako kasi nag ospital ako at malapit ako mamatay diyan. Kaya nga ako nandito kasi nawala na kami ng bahay , binenta sa panggastos sa akin. "Ganon ba?" sabi nila sabay tapon ang hawag na mariwana. Sabi ko sa isip ko, ahhh naisahan ko kayo.


Lumipas ang ilang oras ay alas dose na ng gabi, wala na ang tatlong nagkilala ko. Sa aking paligid may maraming mga tambay na batang lansangan.Sabi ko, di pala ako nag-iisa, pero iba ako,di ako tulad sa kanila.. kasi gusto kong matapos ng pag-aaral at kung may pera na ako, kakain din ako ng masasarap na pagkain. Habang nag-iisip, dumating na ang Fishing Boat at mga Iced-Delivery trucks. Kasama ang ibang mga batang lansangan, lumusaw kami sa tubig dala dala ang kani kanilang mga lagyanan ng isda. Hinihintay namin may mga mahuhulog na galunggong.Inalis ko ang T-shirt ko at ginawa itong lagyanan ng isda. Alas kuwatro na ng umaga, paalis na uli ang fishing boat at ako'y nagkakuha ng 200 pieces na galunggong. Di na ako natulog at sa tabi ng grandstand ay nilapad ko ang dahon ng saging (na dala ni lolo) at nilagay ang preskong isda. Maraming taong dumadaan doon sa umga at nagjojogging. Binenta ko P2.00 ang limang piraso. So, nagka earn ako ng P100. sa 200 pieces. Inipon ko ang P80. pang enrollment ko after two months na pasukan na sa College. Wala pang tulog noon, naligo ako sa gripo doon sa tabi ng grandstand.

Pagkatapos ay pumunta ako sa school namin para kunin ang card ko sa High School. Kinausap ko ang aking teacher kung pumasa ako sa Qualifying Exam para sa Scholarship grant ng Filipinas Foundation Incorporated (FFI). Sabi ng teacher ko pumunta ako sa Guidance Office at doon nakapost ang result ng passers. Pagdating ko sa Guidance Office, wow, pumasa ako!!! Pumasok ako sa Scholarship Division ng Admin Building at doon prinocess ang ibang papers para sa pasukan. Libre na ako sa pasukan at 4-year course ang equivalent ng score ko. ( Ang ibang examinees two-year course depende sa score.)So nagdecide ako kumuha ng Bachelor of Science in Idustrial Education (BSIE) na course sa pagiging guro. Same School pa rin yon ng High School ko, isang Vocational School( Zamboanga City Polytechnic College na dating pangalan ay Zamboanga School of Arts and Trades). Masaya natapos ang araw ko noon dahil aside from nagkabenta ako ng isda, Nagka-apply pa ako ng scholarship. mas lalong lumakas ang loob ko na Magkatapos ng pag-aaral. Kahit mag-isa, wala namang papalo sa akin.

Kinabukasan, nagdecide ako bisitahin si lola at lolo doon sa bundok. Bumili ako ng karneng baka at gulay na pechay, onion, asin, at kamatis. Bumili din ako ng isang kilong bigas (P2.50 noon yong tawag na NGA rice). First time ko sumakay ng bus na mag-isa at ito ay pabalik sa namimis kong lugar sa bundok.Apat na taon ako nawala doon. Habang nagbabiyahe ako, unti-unting bumabalik sa aking isipan ang aking masayang nagkaraan. simpleng buhay kasama sina ate,lolo at lola. Pero sa pagbalik ko ngayon ay wala na si ate kasi nasa bayan na rin siya. Ayaw ko muna pumunta sa kanya at baka makita ako ng tatay ko doon.


Gabi na nang dumating ako sa amin. Madilim ang daan, tahimig, at dinig ko ang kanta ng mga ibon kahit sa gabi. lalakad pa ako ng isang oras pataas sa amin galing sa kalsada. Alas 9 na ng gabi nang ako'y dumating sa bahay. "Buenas, buenas...buenas noches!" salita namin chavacano na ibig sabihin ay tao po, magandang gabi po..Gising pa sina lolo at lola kasi raw iniisip nila ako at nalaman nila ang nangyari sa akin. Niyakap ko sila at si lola ay di na ako nakilala. "Sino ka? kasama mo ba ang apo ko? " tanong ni lola. " Lola, ako ito, si Joseph ito, ang paborito niyong apo!" sagot ko sa kanya habang hawag ko ang mukha niyan at kita ko na unti unti na siyang nabubulag dahil sa katandaan (76 years old). " Ay, salamat sa diyos at narinig niyo ang panalangin ko...nandito na ang apo ko....malaki ka na apo ko!" paiyak iyak na sabi ni lola. " Aray ko po lola! nawakan niyo ang sugat sa braso ko, nadapa kasi ako lola." Di ko sinabi sa kanya na pinalo ako ng madrasta ko. Pagkatapos ay nagluto ako ng sabaw na baka na yon talaga ang hiling ni lola noon pa maliit pa ako na sana bago siya mamatay ay magkakain siya ng ulam na sabaw ng baka. Isang kahilingan ng mahihirap. Pagkatapos kong magluto ay sinubuuan ko ang lola ko. " Wow apo ko, ang sarap mo pala magluto". Naubos talaga niya ang isang bowl ng sabaw na baka. ganon din si lolo. Natulog na kami at gaya ng dati, sa braso ni lola ako natutulog, ginagawang unan. Sa kanya ko nararamdaman ang init ng isang ina.This time, dahil mabiagt na ako, sa baba na lang ng kili kili (under arm )niya ang ulo ko sabay yakap. Nagkatulog na kami. Kinabukasan, binalikan ko ang mga lugar saan ako lagi noong nasa elemntary pa ako. Ang puno ng bayabas na paborito kong akyatin at tanawin ang dagat mula sa bundok ay parang nalungkot din sa pag-alis ko noon. Di na nag-bunga. Pero sa oras na yon ay humampas ang hangin at ang bayabas ay gumagalaw tila ba'y masaya sa aking pagdating. " Mabuti pa itong bayabas kaysa tao" sabi ko sa isip ko. Napuntahan ko uli ang mga lugar at naalala ko bawat sandali ng aking buhay doon...ang pagbiro namin nina ate, ang pagtakpo namin ni tatay at nagpromise ng magandang buhay sa piling nila...etc. Ngunit ganon pa man, nagpapasalamat pa rin ako sa kanila dahil sa mga maltreatments nila, lumakas at tumibay ako.


Pagkahapon ay nagpaalam na muli ako kina lolo at lola at ako'y babalik na sa bayan at harapin ang bukas. " Lola, promise ko, babalikan kita...promise ko na maging teacher ako at sana maabutan niyo pa yon". Si lola kasi ang medyo mahina na. Si lolo ay malakas pa sa edad na 79 that time. Yon na ang huli namin pagkikita ni lola at ako'y naging busy sa pagkayod at pagharap sa buhay mag-isa doon sabayan.

Lumipas ang mga buwan at ako ay nasa college na nag-aaral. Sa gabi ay di na ako nangingisda, magtatrabaho ako bilang isang waiter sa Lion's Den Restaurant na malapit din doon sa Boulevard at Grandstand. Pinuntahan ako ng ate ko at hinanap niya ako ng bedspace para doon ako magrent. Siya na rin nag bayad ng unang buwan ko doon. Nagtatrabaho ako bilang isang waiter from 5:00 PM to 2:00 AM ..uuwi sa boarding house (500 meters mula sa restaurant) at matulog mula 2:30 AM to 6:00 AM. Then punta sa school from 7:00 AM to 4:00 PM. ganon ang naging buhay ko. Palipat lipat din ako ng Restaurant dahil sa pagbukas ng mga bagong restaurant taulad ng Shakey's Pizza Restaurant. Dahil kailangan ko talaga mag-aral ng mabuti kasi Education Course ang kinukuha ko, gumagawa ako ng Outline ng lesson ko at dindala sa trabaho. Tuwing walang customer, Pumupunta ako sa CR, naglilinis doon at patago ako nag-aaral ng lessons ko.

"My fellow students, we have to fight for our rights and enjoy what is due for us! If ever I will be elected as the President of the the Supreme student Counsil, I must see to it that our payments for this Organization's fee will be used for the betterment of the student body........." Nakakampanya ako as president ng student council namin kahit pagot at puyat sa work. Di ko na rin masyadong nafocus ang academics ko kasi nagfocus ako sa extra Curricular activities at naging student leader ng school namin. President ng Education Students' association..etc.


Noong second sem ng pagka 3rd year ko ay kailangan ko huminto sa pag-aaral ng one sem. para magtrabaho. Nalate kasi ako sa enrollment that time at puno na ang mga mga classes. So nagdecide ako na magfocus sa work. During that second semester ( 1992), sa araw ay sales representative ako ng Kelly-Ellis Corporation, nag house to house sa pagtinda ng cosmetics at ceasepain. sa gabi naman ay waiter sa Shakey's Pizza Restaurant. " .....I will do my best to serve the youths of this barangay..My life experience and proper education gives me the best qualification to serve you as SK Chairman....." kampanya ko during SK election. Di ako nanalo kasi baguhan ako sa lugar. Tinodo ko ang time ko habang nag stop ako sa school for one sem. Gumawa ako ng listahan ng mga Barangay Fiestas sa buong City at dumadayaw ako para sumali sa singing contest at makapera. Nag e-emcee sa mga kasal, kumakanta sa kasal, emcee sa mga gatherings para kumita. Dito lalo nahasa ang pagkatao ko at pagharap sa iba't ibang uri ng tao. Di nagtagal, nakilala na ako bilang mahusay sa pag Emcee at nag dumami ang clients ko. Sa boarding house naman, tuwing sabado, naglalaba ako ng damit ng boardmates ko, P1.00 ang bawat piraso.

Noong March 25, 1994, natapos ko ang kurso ko sa Bachelor of Science in Industrial Education major in Industrial Arts (Not English). May 18, 1994 ay kumuha ako ng Philippine Board Examination for Teacher (PBET na LET na ngayon) at pumasa with flying colors.

My Teacher's Board Exam, Certificate

Sabi ng teachers ko, di ako puwede mag Cumlaude kasi huminto ako ng one sem. Qualified ang grades ko pero overstay ako sa required lenght ng course ko. Sabi ko di naman importante ang medalya, importante kung ano ang nasa utak ko.

May 1994 ay nag-apply ako bilang Stay-in Teacher ng isang House of Orphanage. Ito ang first job ko......


CHAPTER IV:

Sa loob ng Saint Francis House of Orphanage:

One month after I graduated from college, nagkapasok ako sa unang teaching job ko. Sa Saint Francis House of Orphanage. Ito ay isang bahay ampunan na minamanage ng isang Canadian Priest. Ito ay sa adjascent barangay lang sa dati kong tirahan. Stay-in ang magiging job ko dito. malaki ang campus at may dalawang malaking buildings na galing sa mga donations.

May more than 50 street children dito. Isang Canadian pari as the Director, isang secretary, isang nurse, dalawang cook, isang driver/gardener, isang police na body guard ng pari , dalawang midwives (para sa pag-alaga ng mga sanggol na tinatapon ng mga GRO daw at iba pang irresponsible mothers..) at ako ang bagong stay-in teacher at Housefather (tatay tatayan ng mga bata.) Doon ko rin nalaman na ang mga bata doon ay galing sa Boulevard saan ako dati at may training or rehab center pala doon .Pag mabait na ang bata or binatilyo't dalaga, saka na dadalhin sa dito sa Main center na ito.

Pagdating ko dito sa center sa unang araw ko ng trabaho, inorient ako ng secretary at ng Pari. Inilibot niya ako sa buong center para alam ko ang mga lugar. Sa unang palapag ay ang study at Mass room combined, Long Table dining area (parang sa Harry Potter),ang kusina at ang Office. Pag akyat sa pangalawang palapag ay...sa gitnang bahagi ng hagdanan ay ang pinto ng Director. Tapos pag akyat pa ng konti ay ang maliit na magiging room ko, then mga Double-deck Beds na ng mga street children. Dito ko rin nameet ang dati kong mga nakilala sa daan. Nabigla sila nang nakita nila ako at magiging teacher nila. Paano daw nagyari yon, di ba daw nakikita nila ako natutulog din sa daan noon? Sabi ko challenge lang ng buhay yon, nag-aaral pa rin ako kahit nandoon ako, kaya tingnan niyo, teacher na ako ngayon at ako ang magtuturo sa inyo. maiintindihan ko kayo kasi galing tayo sa isang uri ng buhay.

Masaya ang unang araw ko doon kasama ang mga bata. Tinuruan ko sila How to read, write, good manners and right conduct at ikinuwento ko sa kanila ang buhay ko. Ang saya nila at nabuhayan sila ng pag-asa. Si anabelle noon ay First Year High school na at sabi niya, tatapusin din nya ang pag-aaral niya. Lahat ng bata doon ay may kani-kanilang mga Foreign sponsors. Nagpapadala ang Director ng pari ang mga pictures ng mga bata sa Canada at naghahanap ng sponsors. Marami ding mga donations doon galing sa mga local people ng Zamboanga City.

In 1996, after two years bilang isang guro, ay nagplano akong magpakita sa madrasta ko at tatay ko. Dahil nga High school ang tinuturo, nagpasama ako sa apat kong students na 4rth year High School na silang kapitbahay ko. Bumili ako ng Dalawang sakong bigas para gawing pasalubong. Simula kasi noong umalis ako ay di na ako nagpakita sa kanila.Six years na ang nagkalipas saka ako babali. Pagdating namin sa bahay nila ( may maliit na bahay na sila na gawa sa sawali), kumatok ako. Lumabas ang Madrasta ko, " Magandang araw sir, kayo po ba ang May ari ng lupang ito? " tanong niya sa akin... " Ah, magandang araw naman...hindi ako ang may-ari ng lupang ito...ako si Joseph, ang dating niyong ginugulpi......"

CHAPTER V:

Ganon nga ang nangyari, Nagtanong ang Madrasta ko kung sino ako dahil di na niya ako nagkilala. Naka Teacher's Uniform ako noon. " Ay, pumasok ka sir!" sabi ng Madrasta ko sa akin. " Jing , (tawag nya sa Papa ko)..May bisita tayo?" masayang boses na may halong kaba ang lumabas sa kanyang mga labi. Lumabas ang tatay ko na noon ay 50 years old na at agad niya ako nakilala. Iba talaga pag ama. Nagsorry sila sa mga nagkaraan pero binanta ko sila..." Sige, pag ibalik pa natin ang nagkaraan uuwi na ako, ayaw ko na pag-usapan natin yon.Wala lang yon sa akin. Di ako maging ganito ngayon kung di ako naging matibay dala na rin ng sitwasyong yon.Kaya ngayon, ako na naman ang tutulong sa inyo kahit maliit ang suweldo namin mga teachers. Bumalik ako ngayon dahil mahal ko kayo". Yan ang sabi ko sa kanila. Lumuha luha na din ang mga mata ng mga tumutulong sa akin na mga students ko. " Kaya kayo mg estudyante ko, mahalin nyo mga magulang niyo ha!"........ "Opo sir"....Sabay sabay na sagot nila.

"Ah eh....bago pa man tayo mag iyakan dito, pakipasok na ang maliit na pamasko ko kina tatay at nanay"...Nabigla ang madrasta ko kasi noon di ko man siyang matawagan nanay..ngayon niya unang narinig na tinawagan ko siyang nanay. Sabi ko sa kanya, di ko man nakita ang tunay kong ina, puwede ba "Nanay" na lang ang tawagan ko sayo? " sabi ko sa madrasta ko. "Oo ba, sige, masaya ako at may anak na rin akong guro."

" Hali ka sa labas Sir Joseph ...Hoy Linda, eto na si Joseph, yong anak namin dito noon, teacher na siya. Mga kapitbahay, nandito ang anank naming teacher!" Ipinakilala nila sa mga kapitbahay namin noon.

" Joseph, ikaw ba yan? naku ang laki na ng pinagbago mo ha?" Sabi ng mga kapitbahay. " Ganon pa rin po ako kabait, at lumaki lang po ako. Di pa rin po ako nagbabago"..sagot ko sa kanila.

Mula noon palagi na ako bumibisita sa kanila at nagbibigay ng konting tulong kung mayron ako.Naging proud na sila sa akin. Si ate ko naman ay kasama pa rin doon sa Motorpool saan nagtatrabaho ang tatay ko.Isa pa rin siyang housemaid doon at mabait naman siya. Binisita ko ang ate ko at may kasama na pala siyang ibang mga maids at siya na ang mayordoma.

(Sa unang part ng aking kuwento ay nagkalimutan ko isali ang isa ko pang ate na medyo mahina ang katawan. Dalawa ang ate ko ngunit ang tinuturing kong close talaga ang siya kong kasama. Dati kasi noong bata pa ako ay wala sa lagi sa bahay ang isa ko pang ate dahil masakitin at nakitira siya sa ibang bahay).

" O ate, kumusta ka na dito? salamat ate sa mga sakripisyo mo magmaid ha para sa akin. Balang araw ako rin ang tutulong sayo. " sabi ko sa kanya. " Masaya na ako at natupad mo ang pangarap mo at natupad na rin ang pangarap ko" sabi ni ate sa akin. "Bakit ate , ano ba ang pangarap mo? " Tanong ko . " Eh ano pa? ang magkatapos ka ng pag-aaral!" masayang sagot niya sa akin. " Eh ate, di pa nga ako tapos eh...kasi nagmamasteral pa ako ngayon"...Nagtawanan kami nang........." Joseph, Phina!( pangalan ng ate ko), pumunta kayo sa lola nyo ngayon din. Hinahanap na kayo". sabi ng amo ng ate ko. Yong oras na yon ay nagbiyahe kami pauwi sa bundok at...pagkaraan ng dalawang oras na biyahe...


Dumating na kami sa kalsada at lalakad na papuntang taas. Pagdating malapit sa bahay ng lola ko, may maraming mesa sa labas at may mga tao. Sabi ko di naman birthday ni lola ngayon, bakit maraming tao sa bahay. Nung malapit na kami sa mismong bahay, nakita ko maraming naglalaro ng baraha sa labas, may kape, tinapay. Nakita ko mga kababata ko noon at mga kapitbahay. Tumakbo ako sa loob ng bahay dala dala ang pasalubong ko sa kanya na karneng baka da gustong gusto niya. " Lola! saan ka? saan si lola? Akala ko ba hinahanap niya ako! Lola nandito na ako! " May nerbyos na tanong ko sa mga nandoon....." Joseph, nilibing na namin ang lola mo , dalawang araw na....di na namin sinabi sayo na namatay siya at baka madistorbo ka sa pagtuturo mo doon sa bayan!" sabi ng mga auntie ko at at ng tatay ko. " Hinde, hindeeeeeeeeeeee.... ......Hinde totoo ito...hu hu hu hu!".... " Bakit niyo ako pinapatay ng ganito? lagi na lang ako nasasaktan? Mali ang ginawa nyo! Alam nyo higit pa sa buhay ko ang pagmamahal ko kay lola...." Yong oras na yon ay tumakbo ako sa sementryo na may 2 kilometro ang layo..at pagdating doon, nakita ko agad ang puntod niya na marami pang bulaklak.." Lola...di ba sabi ko sayo hintayin mo ako. Ang daya mo naman lola...lola....Promi se mo sa akin na hintayin mo ang pagbalik ko...Nandito ang karneng baka lola...hu hu hu hu.."


Ganon nga ang nangyari, namatay si lola na hindi ko man lang nakita. Di nila sinabi sa akin.

CHAPTER VI:

Ang Pagkamatay ni Lolo......

Pagkatapos ng huling dasal ni Lola ay umuwi na kami dito sa bayan. Dahil sa wala nang mag-aalaga kay lolo, nagdesisyon ang tatay at madrasta ko na doon na titira sa bundok. Samantala naman si ate Phina ay lilipat na sa ibang amo,maid pa rin siya. Naging mabait na talaga ang tatay ko at proud siya sa akin pati na rin ang Madrasta ko. Tuwing bibisitahin ko sila, alagang alaga na ako. Ngayon nila pinupuno ang mga pagkukulang nila noon. Di ko rin sila masisisi noon dala na rin siguro ng kani-kanilang mga sitwasyon. Binenta nina tatay ang kanilang maliit na bahay sa City proper para lumipat na muli sa bundok. Sina papa na naman ang titira doon kasama ang madrasta, masakitin kong ate (pangatlo siya ...nawala kong kuya,Si ate phina,siya at ako) at lolo ko. Nang lumipat na sila sa bundok, bumisita kami ni Ate Phina sa kanila. That time bagong benta pa ang bahay nila sa halagang P50,000. If I remember right. Gagamitin nila yong pera sa pang-araw araw nila at pamasahe na rin ni tatay sa pagpunta sa trabaho sa bayan. Pagdating ko sa bahay (may dala na rin mga pasalaubong na masasarap na pagkain at iba pa) sa bundok, maayos na ang dating lumang bahay. Ganon pa rin kaliit... 50 sq. meters pero di na sako ang dingding, kahoy at semento na. Ang dating atip na gawa sa dahon ng niyog ay napalitan na ng yero.Nang uuwi na n kami kinabukasan, habang nasa loob ang tatay ko, nilapitan ako ni Nanay Madrasta ko at binigyan ng P200. pasekreto para di daw makita ni tatay. Para panggastos ko daw yon (malaki na yon noong year 2000). Kinuha ko na lang at binigay ko pasekreto kay Ate Pilar yong masakitin kong ate (Ulcer, sakit sa mata atb). Pumasok ang madrasta ko at maya-maya'y lumabas din ang tatay ko. Nilapitan ako at patagong nagbiagy ng P500. Tinanggap ko na lang din at pasekretong binigay sa ate kong may sakit. Si lolo noon ay nagkahiga na lang at di na makapag-usap. Pumasok ako sa maliit na kuwarto ni Lolo,,,Umupo ako sa tabi niya at binuhat ko ang ulo niya at nilagay sa mga binti ko. Habang hinihimas ko ang ulo niya, nagpapasalamt ako sa lahat ng pag-aaruga niya sa akin noong nasa elementary pa ako.Yong pag upo niya sa hagdan ng open stage during my High School graduation. Lahat ng mga nakaraan. Kinakantahan ko si lolo. maya-maya'y hinwakan niya ang mga kamay ko at ipinasok sa baba ng kanyang unan. Naramdaman ko may pera...sa whispering voice niya....sabi niya sa akin na inipon daw niya yon para sa akin mula noong umalis ako doon. Nakalimutan niya ibigay sa akin noong graduation. sabi ko mas kailangan niya yon. Maya-maya pa'y nagpaalam na ako at ako at si ate Phina babalik na sa bayan. " Paalam na lolo, love you ....Hintayin mo ako babalik ako next month kasi wala akong klase..." Tumingin siya sa akin, nag smile na para bang masaya sa akin. Umalis na kami ng ate ko.

Sa pag-uwi namin ay may baon na kami mga saging, marang, buko atb..na hinanda ng ate kong masakitin.

Paglipas ng isang linggo, pinuntahan ako ng ate ko sa boarding house ko. "Tok tok tok...." Malakas na katok sa pinto ko. " O ate, ano man? bakit ka umiiyak? " tanong ko sa kanya..." may problema ka ba sa bago mong amo?" Mariin kong tanong sa kanya...... " Si lolo...." ......" Eh ano nangyari kay lolo? nakakalakad na ba siya? nandito na ba siya?!!!!" ayaw kong isipin na may nagyari kay lolo. " Wala na si lolo,namatay na kagabi...!!!!!! " sagot ni Ate..... " Hindi puwede yan, may promise kami sa isa't isa na hintayin niya ako at babalik ako.

Kinabuksan ay nagpaalam ako sa school saan ako nagtuturo para puntahan ang lolo ko. This time nakasama ako sa paglibing kay lolo. Pagdating ko sa bahay...lupait agad ako sa kabaong niya at nagpasalamat . sabi ko, kahit saan ako pupunta, bantayin nila ako, siya at si lola (na alam ko kahit dito ako sa Jpan kasama nila ako). Masaya ang mukha ni lolo. alam ko masya siya para sa akin. Nasaksihan niya ang pagporsigi ko sa buhay.

CHAPTER VII:

Pagkatapos ng pagkamatay ni lolo, sina ate Pilar, Tatay ko at Madrasta ko na lang ang natira doon at ang Uncle ko na kapatid ni papa. Matagal na namin silang kapitbahay . Dahil sa malayo ang tinitirhan ni papa sa kanyang trabaho, nauubusan sila ng budget sa pang-araw araw. ako rin, nagrerent ng bahay sa bayan at maliit lang ang suweldo ng Public School Teacher, di na ako nagkakapagbigay ng sapat na salapi sa kanila. The most is P1,000 a month na lang. So halos araw araw nakikita ko ang tatay ko sa pintuan ng aking paaralan na suot suot ang kanyang lumang mga damit at amoy galing sa trabaho. Ngunit di ko siya ikinahihiya. "Class, this is my loving father"...sabi ko sa mga students ko pati mga co-teachers. masaya naman ang tatay ko at naging kaibigan niya mga students ko. Alam na ng mga students ko ang pakay ng tatay ko doon na maghingi ng pera. Kung nasa ibang buildings ako, alam na ng mga students pag nakita siya sa campus, dinadala na siya sa akin. Mahal na mahal ko ang tatay ko kahit di niya ako masyado inaruga.Alam ko noon kung bakit di siya magkapagpakita ng pagmamahal na inaasahan ko. May sarili din siyang problema. So mula Year 2000, palagi na si papa pupunta sa school ko. May mga pagkakataon na wala akong pera. Sabi ko, pasensya na pa, wala talaga ako ngayon. Sabi ni papa ok lang. "Gusto ko lang magkasama kang mananghalian. may baon ako dito, nagluto ako ng paborito mong pinangat na galunggong"...Nagtaw anan kami ni papa. sabi ko, salmat galunggong at natulungan mo ako noong naglayas ako...nagtatawan na naman kami ni papa. Maya-maya ay tapos na kami kumain ng lunch at may klase na ako. naghihintay na mga students ko at si papa ay uuwi pa sa bundok (3 hours pa ang biyahe). Nang lumakad na si papa, di ko mapigilan o makayanan sarili ko na uuwi siyang wala pera. naghiram ako sa co-teacher ko at hinabol si papa. Bingyan ko pa rin siya. ganito ang mga Taon nagdaan , lagi niya ako pinupuntahan, pagminsan kasama si madrasta ko.

May mga pagkakataon gusto ko magtago kung nakikita ko siya sa malayo pa tapos wala akong pera. pero di ko magawa.

Sa kabilang dako naman ng buhay(tama ba ako?), Si ate Pilar na masakitin kong kapatid ay nagkaroon ng boyfriend simula noong namatay si lolo at nagkaroon ng anak. Hindi natuloy ang kanilang kasal ng kaniyang nobyo at dahil sa ilang araw bago ang itinakdang kasal, inaway daw ng madrasta ko ..dahil sa issue na di ko alam. So naging solo parent ang ate ko. Pinanganak niya ang unang sanggol niya noong 2000. Pagkatapos ng isang taon, bumalik ang kanyang boyfriend at ikakasal sana. Pero di natuloy dahil umuwi ang lalaki sa kanila para ibenta raw ang lupa para gamiting ang pera sa kasal pero di na bumalik. after few months, nanganak na naman si ate Pilar . So solo parent na siya ng dalawang anak niya. Ako na umako sa mga gastos pambata, gatas atb. Sa pagdating ng dalawang apo ni papa, naging masaya sila doon sa bundok dahil wala din sila anak ng madrasta ko. Sa mga panahong ito, nabablitaan ko na lagi nila ginugulpi/pinapalo ang ate Pilar ko dahil sa pag-aalaga ng bata. Sabi ni ate Pilar ko, pagot siya sa pag-akyat ng niyog. kasi naman nagkokopra pa siya doon para makapera kahit babae siya. So dagdag obligasyon ko siya at di ko makayanan iwan siya ng ganon. Nagdecide ako doon na siya tumira sa akin at dalhin niya ang bunso niyang anak. Ang panganay na medyo malaki na ay iiwan kay tatay.

Noong 2003, tumira na si ate Pilar sa akin kasama ang bata. Habang nasa School ako, may estudyante din ako ulila sa magulang at napoproblema sa bahay ng aunti niya. sabi ko doon na lang siya tumira sa bahay. So may kasama na ako sa bahay, ang anak ng ate ko na 2 years old, ang ate ko at ang estudyante ko.Mabait naman ang estudyante kong lalaki na ulila din sa magulang. Sanay din siya sa hirap. ako na ang nagbibigay panggastos sa school niya at trabaho niya ay tumlong sa gawaing bahay. Siya na rin nag-aalaga sa bata kasi naglalaro sila. samantala ang ate ko ay lagi nang nagkahiga at nanood ng TV.

Pagkatapos ng klase ko, dadaan ako sa tindahan para maghanap ng magkain nila. May araw na nagagalit ako kasi pag-alis ko sa bahay, nagkahiga ang ate ko nanonood ng TV, pagdating ko naman ganon pa rin. Ako pa magsaing. Pagluto na, tatawagin ko sila para kumain. May mga panahon naman na naglalaba din siya. Pagkatapos ng ilang buwan, nagrereklamo ang ate ko na hindi siya magkahinga, yon pala ay may bumabarang sinusitis sa ilong niya. Wala akong kapera pera.Lumapit ako kay Mayor Lobregat ng zamboanga City para tulungan ako sa pag general check-up sa ate ko. Tinawagan ni mayor ang General Hospital at nag schedule ng free general check-up para sa kapitid ko. Ang ate Phina ko naman ay bumibisita din doon at nagdadala ng pagkain sa bahy. So kami dalawa ni ate Phina ang nagtutulungan. Nagluluto na uli ako ng suman at puto para ilagay sa canteen ng school para may additional income ako. Nagtatanong ako sa mga co-teachers ko kung may kilala sila magpapakasal para mag Emcee ako at may income. Tuwing saturdays naman ay pumupunta ako sa mga Fiesta para mag Emcee sa tulong ng mga classmates kong teachers sa masteral. Nagjujudge sa mga Pageants at ibang contest at nakakapera ako kasi binabayaran naman ako ng mga organizers. Tuwing mag-aattend ako ng national seminars sa Luzon at Visayas, doon ako bumabawi.may allowance kasi, di ko ginagastos. May mga time sa seminars na pera ang bigay para sa lunch, di ko na lang ginagastos. Magandang foundation ko sa pagkabata kaya di ako masyado naghihirap sa mga challenges na dumarating those years (2000-2005).

Isang araw noong February 2003, habang ako'y nagtuturo...." Sir may bisita po kayo"...sabi ng student ko. " Are you Mr. Joseph de Leon?" Tanong ng babae na nagkateacher uniform. " How may I help you today?" tanong ko sa kanya. " Niyakap ako ng babae...sabi niya " I am your grade 5 teacher"...di ko nakilala si maam na siya rin tumutulong sa akin noon. Napaiyak si maam kasi naalala niya ang buhay ko noon sa elementary then nakikita niya na teacher na ako. Mahaba ang kuwentuhan namin at mabuti na lang ay free time ko noon. Pumunta siya sa akin para sa darating na Graduation exercises, ako raw ang magiging Guest Speaker nila. Sabi ko naman, its my honor to be part of my alma mater's special day.


Sa day ng graduation nila, dumating na ako...at para bang biglang nagrewind ang lahat...umiiyak ako habang pumapasok sa gate, it has been 18 years...Bawat sulok ng paaralan ay sarili ko ang nakikita ko. Ngunit ang dating malaking playground ay maliit na sa tingin ko ngayon. Bata pa kasi ako noon kaya medyo malaki tingnan ang school. matanda na ang mga guro ko noon, ang iba naman ay mga bago. Naghahanap ako ng isang bata na tulad ko ang kasuutan noon, pero lahat sila ay nagkasapatos na. " Ladies and gentlemen, its my honor to present to you my former student who made it through inspite of the challenges in life...lets welcome our Guest Speaker..Mr. Joseph de Leon"...introduction ng former teacher ko. di ako magkatayo at maya maya pa ay ok na ako. " ....18 years ago, I was sitting where you are now, the only difference is that you are with you parents and I was alone. 18 years ago, I was studying on the same campus where you are now, the only difference is you have all the school supplies but I have none. 18 years ago, we spent our recess time in the same canteen where you are now, the only difference is you have food to eat and I had none. 18 years ago i was dreaming to be successfull and I made it where I am now. I hope 18 years from now, you too will be able to reach your dreams..." part ng speech ko. Nag iyakan ang mga bata , mga magulang at mga teachers kasi kilala nila ako...alam nila ang buhay ko noon. Ang dati kong kaklase na noon kinakain ko ang sobra niyang baon, ay nandoon din, nandoon ang kanyang anak at di siya nakapagtapos sa pag-aaral dahil nag-asawa na ng maaga.

CHAPTER VIII:Ang Unang tagpo sa tunay kong Ina....

Noong 2003, Months after ang speaking engagement ko sa school namin, ay pinuntahan ako ni Ate Phina sa bahay. Sa kanyang trabaho bilang maid at tagahatid ng bata sa school, ay marami siyang nameet na naging kaibigan niya. Nakita niya rin pala ang pinsan namin na anak ng kapatid ng nanay namin.

Inimvite ako ni Ate phina na pumunta sa pinsan ko. Di ko alam ang plano nila. Sabi ni Ate gusto daw ako makilala ng pinsan ko. Noong dumating na kami sa bahay ng pinsan ko, pinakilala na nga ako. Masaya ang pinsan ko na naging teacher ako. Sila kasi broken family din daw. Mas matanda yong pinsan ko kaysa ate Phina ko. Alam niya daw ang istorya ng parents ko. Nandoon daw siya noon yong maghiwalay ang nanay at tatay ko. Siya pa raw nag -alaga sa akin for three months. Palagi raw nag-aaway ang tatay at nanay ko at seloso daw ang tatay ko. Binubugbog raw ni tatay si inay kasi pagdating ni tatay galing sa trabaho, wala si nanay sa bahay. Nandoon sa puno ng mangga dahil nga naglilihi sa akin. Sabi ng pinsan ko, mula nang ikinasal sina papa at mama ko, doon daw siya nagkatira sa amin. Three years raw ang agwat niya sa kuya ko na di ko na nakita. So pagpangank sa akin ng nanay ko, 10 years old na ang pinsan ko. Mahabang kuwento namin sa sala nila...nang....." Oh may bisita pala tayo." Sabi ng babae na kararating lang galing kungsaan. " Good afternnon po." greet ko sa kanya. Akala ko bisita lang siya. Pero iba ang pakiramdam ko na di ko maintindihan. Parang nilalagnat ako na di naman. " Sino yan Cora (pangalan ng pinsan ko)?" tanong ng babae na medyo payat na kamukha ng ate Phina ko. Di umiimik ang pinsan ko....nagtinginan lang kami ng babae. " Alam mo kasing edad mo na siguro ang bunso ko". sabi niya. " Bakit po ano ang nagyari sa bunso niyo?" tanong ko uli....sabi niya.."naiwan ko siya doon sa mga biyenan ko. Bumalik ako noon para kunin siya pero galit sila ;ahat sa akin, lahat ng inlaws ko. "Eh ako rin nga iniwan din ng nanay namin...." Tapos nagtinginan na naman kami. " Ano pala ang pangalan mo? tanong niya sa akin..." Joseph po"..nabigla ako kasi lumuluha na siya..." Eh alam mo ba ang pangalan ng nanay mo?" tanong niya sa akin. "Opo, Rosenda po" kumakabang sagot ko. Tumayo siya at niyakap niya ako...."Ikaw na nga ang anak ko...hu hu hu" Umiyak siya. Pero ako wala akong naramdaman sa kanya. I was 30 years old noon (36 na ako ngayong July 29). Tapos sabi ng pinsan ko, "yan na ang nanay mo". Yakapin ko sana siya nang may dumating na lalaki, aswa niya raw at bumusina lang ng lumang kotse niya sa pinto. Tapos parang galit ang lalaki, nagpaalam agad ang nagpakilalang nanay ko. Di ako nagkapagsalita..nabl angko ako. Ang ate Phina ko naman ay sinundo ang alaga nyang bata at di nya nakita. Mula noon di na kami muli nakita . Balita ko may anak na rin siya sa ibang asawa.

CHAPTER IX:Ang 31st birthday ko at ang Tatay ko.......

July 29, 2003, ay ang 31st birthday ko. Nasa school ako noon, nagpapractice para sa Search for Miss Science Camp. Ako ang Emcee sa show. Rehearsals ng mga candidates noon at nagpoproblema ako kasi baon na ako sa loans. Wala akong kapepera para man lang kahit pang simpleng handaan. Lahat hindi alam na birthday ko. Sanay naman ako na nakakalimutan ng birthday ( sa buong buhay ko kahit dito sa Japan, never pa ako nagcelebrate ng birthday ko at nagblow ng cake/candle...sana this year).

Pumunta ako sa faculty room ng co-teacher ko at close ko rin siya kasi pinsan na ang turing ko sa kanya. Siya kasi ang karamay ko sa oras ng kagipitan. Nagpahiram si ate ng P500. Sabi ko isusurprise ko ang ate Pilar ko at ang working student sa bahay..Bibilhan ko sila ng cake at Coke para malaman nila na birthday ko. maya-maya pa'y......" Sir de Leon! nandito po ang tatay niyo!" sabi ng student ko. " Pa, mano po. Pumasok muna kayo sa room kasi tatapusin ko muna ang practice ha, sandali na lang. Nakita ko may dala dala siyan supot...sa isip ko mabait talaga papa ko, di niya nakalimutan na birthday ko ngayon. First time niya talaga na maalala ang birthday ko.

Pagkatapos ng rehearsals, pumasok na ako sa room ko." Kumusta ka na pa?" tanong ko. Sabi niya nag-away daw sila ng kapatid niya (uncle ko) dahil sa pagsubdivide ng lupa. Sabi ko, huwag kayo mag-away pa, lupa lang yan. "May pera ka anak? Wala na kaming bigas sa bahay"....Sumakit ang dibdib ko at napaluha ako." Mayron ako dito pa pangbirthday ko sana, kunin niyo na lang ito". Binigay ko sa kanya ang P500. na hiniram ko para sana sa birthday ko. " Kailan ba ang birthday mo? Maghiram ako next week at dadalhin ko dito anak para sa birthday mo." sabi ng tatay ko. " Pa, ngayon po ang birthday ko, 31 na po ang anak niyo"...nagtawanan na naman kami ni papa. Masaya na ako na kahit wala ako, basta mayron lang siya. " Roel (di tunay na pangalan ng student ko), please do me a favor, bring this note at the canteen and wait for them to give you something then please bring it here ,ok?" Nag ask ako ng favor sa student ko para mangutang ng magkakain para kay papa. Pero di alam ng student na nangutang ako kasi close note ang pinadala ko.

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na si papa. Tinuloy ko na rin ang trabaho ko sa school. At 3:00 PM, free time ko at "Kinulong" ko sarili ko sa room para magpasalamat sa panginoon sa mga biyaya na natatanggap ng family ko kahit mahirap lang kami. nalulungkot na naman ako as always every birthday ko. Naaalala ko kasi nanay ko. Basta birthday ko, nanay ko ang pumapasok sa isip ko kasi siya ang nagbigay buhay sa akin. Nagdadasal na lang ako na kung nasaan man siya, sana ay masaya siya at walang sakit. Maya-maya'y ...." Happy birthday to you, happy birthday to you....." may kumakanta sa pintuan, boses ng mga students ko. Pagbukas ko ng pintu, sabay pasok sila sa room at may cake. Natouch ako. "Sir, make a wish" sabi ng student ko. " Sir blow my finger kasi wala tayong candle" ginagawa nyang candle ang pointfinger niya..nagtawanan kami. Mahal na mahal ako ng mga students ko. "I wish na sana mahalin nyo mga magulang niyo at matupad niyo ang inyong mga ambition sa buhay"...wish ko sa birthday ko...nagtawanan na naman kami. Si Lord talaga, alam niya kung ano ang kailangan ko, sabi ko. Nawala nga ang p500. ko na (binigay ko kay papa) na sana ay para sa cake ko, eh dumating naman itong cake, eh problem solve na ako. Dinala ko ang cake sa bahay.

At 7:00 PM, " Cringggggggg..Cringg gggg"...nagring ang 3210 na cellphone ko. " Hello, Joseph, Na stroke ang tatay mo!"sabi ng pinsan kong tumawag. Dinala na daw sa hospital at malapit lang ang tirahan ko sa hospital. Sumakay agad ako ng tricycle. Pagdating ko sa hospital, andoon si papa nakahiga sa kama, di makagalaw ang kaliwang parte ng katawan. Umiyak ako, bahala na malungkot ako sa birthday ko huwag lang mangyari ito. Nandoon din ang Madrasta ko. " Mano po nay, ok lang po kayo nay?" Tanong ko sa madrasta ko. Pinatulog ko muna ang madrasta ko sa tabi at ako na nagbantay. Pagtulog ni papa, lumabas ako at tinawagan ko ang ate Phina ko. maya-maya pa'y dumating na rin si ate. Kinabukasan, ang daming request ng doctor..CT Scan, X ray, etc. Di sapat ang coverage ng Medicare ko. Tumakbo na naman ako sa Lending at nangutang na naman panggastos. Umabot na sa P150,000 ang Loan ko mula pa noon. Dinala ko na si papa para mag CT Scan. etc. After 1 week, magkakauwi na si Papa. Naghanap ako ng kaibigan ko na may kotse para ihatid si papa doon sa bundok. kasi mas ok doon, presco ang hangin. After 1 week, ate Pilar ko na naman ang may sakit, nag loan na naman ako pang hospital. Two weeks later, ako na ang nagkasakit, di nakayan ang katawan sa mg pressure pang araw araw. Nilagnat ako pero di ko pina-alam sa kanila. pumunta ako sa Port Pilar Shrine at nagdasal. Doon ako buong araw kahit mataas ang fever ko. Pagkagabi ay nawala na ito.Saka na ako umuwi ng bahay.


Simula noon, every now and then kailangan bisitahin si papa doon. tapos Ang nag-aaway na naman ngayon ay ang uncle ko pati ang madrasta ko dahil sa lupa na naiwan nina lolo at lola. Gusto kasi nila i-subdide na. Eh may sakit si papa. Pumunta ako doon, pero di na ako nagsawsaw sa usapan nila. Inasikaso ko na lang si papa. nakahiga na lang siya. Doon nagdecide ako mag enroll ng caregiver course tuwing gabi sa Saint Augustine School of Nursing. Natapos ko ang aking 12 units lang. Tinuruan ko na ang madrasta ko kung paano maghilot kay papa.

Nagtanong ako kay papa, sabi ko..."Pa, ano ba ang gusto niyo na maging masaya kayo?" tanong ko kay papa..." Gusto ko makita ang kuya mo. Matagal ko na siya di nakikita since 1983 pa." ako rin pa sabi ko kay tatay...mag 20 years na kami di nakita. Di ko na siya makilala.

Pag-uwi ko sa bayan, nag loan na naman ako sa Lending para gamitin ko sa paghanap sa kuya ko. Pumunta muna ko sa NSO, nagpahanap ng pangalan, pero di ko nahanap. nagtanong tanong ako sa mga distant relatives ko sa bayan at may nagsabi na may nakakita raw kay kuya nandoon sa Ipil Zamboanga del Sur 10 years ago. Ang Ipil ay 5 hours na biyahe by bus ( Transit liner). Dahil sa request ng tatay ko, kinabukasan ay pumunta na ako sa Bus Terminal at 3:00 AM para pagdating ng 8:00 AM nandoon na ako sa Ipil. Pagdating ko sa Ipil, dumeretso ako sa Police station at nagtanong kung may kilala sila na Luis de Leon. Sinabi nila na tricycle driver daw yon. Pumunta raw ako sa Bus Terminal ng ipil at doon daw ito nag-aabang ng pasahero. Naku, may halong kaba at excitement ang ramdam ko. pagdating ko sa bus terminal, ang daming tricycle doon. "Ano kaya ang itsura ng kuya ko? Maputi rin kaya siya? mataba? kulot? etc". Yan ang tanong ko sa isip ko. mahirap siya hanapin kasi di ko siya kilala, tanging pangalan niya lang ang alam ko. " Magandang umaga po, kilala niyo ba si Luis de Leon?" Tanong ko sa isang driver. " nandoon sa tricycle niya natutulog" sabay turo sa nag-iisang tricycle sa tabi. Paglapit ko eh, mas matanda na pala yon kay papa, 57 years old na. magkapangalan at apelyido lang. pero sabi niya may ibang Luis de Leon pa raw, at binigyan nya ako ng sketch. may-ari daw ng Vulcanizing shop. Pumunta uli ako, pagdating doon, sabi nila na wala na daw doon matagal na. Naputol daw ang paa at nadesgrasya daw 5 years ago. Namatay na daw yon. Umiyak ako...Yon na ang balita daladala ko. Di nila alam kung saan nilibing. sabi ko sana makapangalan din lang yon. So, di pa rin ako nawalan ng pag-asa na buhay pa ang kuya ko. Di ko namalayan , alas kuwatro na pala ng hapon at di pa ako kumakain....Last trip pabalik ay 4:30 PM, di na ako kumain at dumeretso na sa Bus Terminal para bumlik sa Zamboanga. Gabi na ako nang dumating. Pagdating ko sa bahay, sinabi ang balita sa ate Pilar ko at sa kasama naming estudyante na originally taga Ipil din pala. Sabi ko, huwag na natin sabihin kay papa para di maapekto condition niya." Di pa kami kumakain, wala na tayong bigas." Bingigay ko na lang sa kanila ang binili kong pagkain sa Bus terminal para pang lunch-supper combined ko sana.

Kinabuksan, nag-usap kami magkakapatid ..ako, at dalawa kong ate. sabe ko magpagawa kami ng lapida sa pangalan ni kuya at magtirik na lang ng kandila. nagdasal na lang kami para sa kaluluwa niya.

CHAPTER X: Ang pagtuturo sa isla at bundok......

Bago pa man ako nagkapagturo sa City Proper saan lagi ako pinupuntahan ni papa, noon July 1995 to March 1996 ay na-assign ako sa Isla at sa Bundok.

After my graduation from College, summer vacation noon ay nagwork nga ako doon sa Bahay ampunan.After that, noong nag apply na ako sa Public school, nagkataon yon mayron Mass Layoff ng mga guro dahil marami nasa puwesto na wala License sa pagturo. Nagpasalamat ako that time kasi after may graduation I took the exam at sa tulong ng diyos ay nagkapasa ako.

More than 1,000 teachers ang nasa grandstand bleachers noon kasi doon ang office ng Division of City Schools ng Zamboanga City. May interview at nagkapasok ako sa priority list. Ang iba naman ay nasa waiting list. Marami din ang nahihimatay na teachers noon dahil sa init at gutom. Sa dami ng applicants , mahirap kumuha ng item para sa malapit sa city proper. Ang pangalan ko ay nasa list na puwede magturo sa City proper kahit baguhan pa ako. Maya-maya`y ..

." There is one teaching item here”...shouted by the supervisor...." Saan po yan sir?" Tanong ng mga teachers na lahat gusto na bumalik sa puwesto at ang mga katulad kong fresh graduate ay gusto ng magturo sa Public School. "

"We need a teacher to re-open a school in a muslim island in Malanta Vitali...Its 3 hours by bus from here, then you take tricycle for 30 minutes from Vitali terminal, then you have to wait for the natives of that island to fetch you from a small pond by their personal boat, Tapos you will travel by boat crossing the hundred islands for one hour and 30 minutes. Walang ibang community doon. Ang school na iyon was built in 1972, during Marcos time. Pero wala pang guro ang pumayak na pumunta doon dahil sa takot. Hindi nagkapag-aral ang mga tao doon. Walang electricity ang island na yon. Mayron doon two classrooms pero walang mga upuan. Mayron lang tayo muslim teacher coordinator ang nagvivisit doon dati. pero wala pang pumayag na teacher magturo doon.....now, who want to take the challenge? "...........Laha t ay tumahinig nang......." Me sir! I will take the challenge and do what I have sworn." Sigaw ko mula sa malayo kasi ang daming mga applicants. Nagtaka ang mga teachers at sila ang may takot imbes na ako. Sabi ko sa sarili ko, bahla na basta may suweldo na ako next month para sa family ko at kawawa naman ang mga tao doon di nagkapag-aral. Naalala ko ang sitwasyon ko noong bata pa ako.

Ganon nga ang nangyari, I was hired that time. Friday yong hiring and I have to be sa working place the following Monday. Nag empake na ako agad at pumunta ako sa Fort Pilar para bumili ng Image ni Mama Mary para dadalhin ko. Kasi ang alam ko once a month lang ako puwede umalis sa islang yon. Pagkasabado ay bumili na ako ng mga gamit ko para dalhin. Sunday Morning at 1:00 AM ay bumyahe na ako through Transit Liner. Kinabukasan at around 5:00 AM ay dumating na ako sa Main Vitali District. Then nagtanong ako sa tricycle kung paano pumunta sa Malanta Island. " Naku Sir, nakakatakot doon. Kahit kami di pa kami nagkarating doon. pero puwede ka namin ihatid sa pond saan mayron mga taga doon ang dumadaan doon. May sarili silang bangka. Mga Muslim sila sir pero takot din sila sa mga abbu sayyaff." Parang may takot na pagpapaliwanag ng tricycle driver. Ngunit sa isip ko, paano na ang mga tao doon kung lahat na lang ay matatakot pumunta doon sa islang yon. Sabi ko sa kanya ihatid mo na lang ako doon sa may mga bangka. Noong araw na yon ay may balita na sa mga tao doon sa isla na may darating na guro para mag open ng school doon.

Pagdating ko sa pond, walang katao tao....iniwan na ako ng tricycle driver.....Sa paligid ay mga bakawan...may mga ibon, at and pond na yon ay 100 meters mula sa tabing dagat. After 30 minutes ng paghintay....." Uwa.........Assalamm uaylaykum....." isang boses mula sa isang bangka at may isang lalaki na nakasakay. May halong takot at kaba ang nararamdaman ko dahil uso noon ang kidnap. Ang salita niya ay muslim na ibg sabihin ay Peace be with you or magandang araw. Paglapit niya sa pangpang, " Sir, ikaw na ang guro na magpunta sa amin? Ako pala si Abubakar (di tunay na panglan), ako ang presidente ng mga magulang doon. At ako ang susundo sayo para sa isla."...marunong pala sila magtagalog. Sumakay na ako. Naala ko tuloy noong bata pa ako, nattakot ako sumakay sa bangka kasi di ako marunong lumangoy, laking bundok ako. nakakatakot kasi ang bangka ay walang balance tong kawayan sa side, Katawan lang siya ng maliit na bangka at kaialangan mag balance. Ganon pala yon kasi dumadaan din kami sa ilog bago ang dagat. Naalala ko ang pelikula no Leonardo Di Caprio yong The BEach. Habang nasa biyahe ay takot ako kasi inabutan kami ng ulan. malaki ang alon. Sabi niya sir ipikit mo lang mga mata mo para di ka matatakot. Sanay nga ako sa bundok pero first time ko sa dagat na gamit ay maliit na bangka good for three people lang. maya maya pa'y pumapasok na ang tubig sa loob ng bangka. Tinulungan ko siya alisin ang tubig gamit ang tabo. Basang basa na kami pareho. Sabi ko ayaw ko pa mamatay...sabi nya bakit sir....sabi ko maraming umaasa sa akin, andyan kayo, andoon mga family ko. Sabi niya, di kita pababayan sir....paglipas ng isang oras ay kumaliwa kami mula sa gitna ng dagat. Ibig sabihin may isla na. Maya-maya pa ay nakita ko ang mga tao sa tabi ng dagat may dalang mga isda, tapos ang tubig ay asul, maraming colorful na isda sa baba ng bangka, parang lagoon,,,,Guminhawa ang pakiramdam ko at feeling ko nasa ibang planeta ako. Ang ganda ng beach nila. Virgin kung tawagin kasi sila lang ang mga tao doon, 20 families lang. Pagdating sa tabi, nagsigawan ang mga tao na parang nagwewelcome sa akin. Dala dala mga pagkain nila. Dumeretso kami sa school building. Dalawang clasroom lang siya. May lumang blackboard at walang upuan. Walang CR. Umupo ako sa may bato at nalinya sila parang welcome gift nila mga pagkain. Kumain kami ng sabay. Pagkagabi na, tanong ko kung saan ako matutulog. Sabi nila sa room lang daw kasi dilikado raw kung sa bahay nila, mayron daw mga armadong mga tao dumadaan sa mga bahay nila kung gabi at kinukuha ang mga bigas nila. Kawawa naman sila,. baka malaman daw na mayron dumating na guro baka dilikado raw.

Pagka gabi, nilagay ko na ang mat ko sa semento. At kahit natatakot pa ako. Pilit kong pinipikit mga mata ko. Wala ilaw, walang signal...Pagdating ng alas dos ng umaga...narinig ko may tunog ng mga paa na lumalakad mula sa malayo at papalapit sa school. Gumapang ako para sa tabi para kung sakali di ako makita. Didikit ko ang katawan ko sa tabi ng semento......pagkata pos naririnig mga tunog ng parang mga may dalang baril...umiikot sa classroom. Parang sampu sila. Muslim ang salita...sabi baka andyan ang guro........

CHAPTER XI: Pagtuturo sa isla - 1.......

Ganon nga ang nangyari sa unang gabi ko sa loob ng classroom. Mayron mga armadong tao umaaligid sa classroom. Dahil walang ilaw at kuryente, di nila ako nakita nakahiga malapit sa dinding ng classroom. Di maubos ang pagdadasal ko at yakap yakap ko si Mama Mary na binili ko bago ako pumunta sa islang yon. Laki din ng tiwala ko noon dahil hawag hawag ko ang rosaro na bigay ni Lola noon.

Kinabukasan ay maaga ako gumising kasi imimeeting ko ang ang mga tao doon .Paggising ko, lumabas ako sa classroom at nakita ko sa pinto ng silid ang dalawang malaking galon ng tubig at isang basket. May nag-igip na pala ng tubig para maligo ako at may almusal na rin.Ang presidente pala ng mga parents na syang kasama ko sa bangka ang nagdala non.Dinala ko ang isang malaking galon ng tubig sa likod ng classroom at doon naligo. Nang tapos na ako maligo, maya-maya pa'y may dumating na isang babae (50 years old) may dalang pagkain.Pagkatapos mayron naman ibang grupo kasama ang mga anak nila at may dala ding pagkain. Para akong hari na pinupuntahan ng mga serbidor. he he he he. Ganon sila kabait sa kanilang bisita.Tapos, oras na ng pagkain, di ko alam kung alin sa mga dala nilang pagkain ang uunahin ko. Kasi lahat sila gusto na kakainin ko una ang dala nila. Ang saya ko nang panahon noon. Ikinuwento ko sa kanila na ako din noon ay tulad nila. Sa bundok nga lang. Sinabi ko sa kanila ang kahalagahan ng edukasyon sa tagumpay ng isang tao at ng bansa. Sabi ko, mas mabuti ang kalagayang pinansial nila kaysa sa akin. may mga magulang sila.Yon nga lang , walang paaralan doon. Kaya nga, sabi ko, nandito ako para tuparin ang inyong mga pangarap na magkabasa at magkapagsulat at sa darating na mga araw, ay magkapunta sa kolehyo. Lahat sila excited. " Sino ba dito ang marunong magsulat ng Alphabet? " tanong ko sa kanlia. " Anong alphabet sir?" Sabay na tanong nila. Pinakita ko ang Letters of the Alphabet. Di daw nila alam yon kasi di talaga sila nagka-pag-aral. Gusto daw nila matuto magbilang, magbasa at magsulat kahit pangalan. Sa isip ko, kindergarten lesson ang unang kong ituturo sa kanila. Pagkatapos ng Diagnostic Interview ko sa kanila, nalaman ko na out of 97 sa kanila, kalahati sa kanila ay mga magulang ages 30 to 56. tapos 25% ay mga bata ages 6 to 10. then another 25% ages 11 to 18. Sampu sa mga bata ay nagkapag-aral na pala sa kabilang isla. Lumalakad daw sila ng isang oras para pumunta doon. naala ko na naman ang buhay ko sa bundok. Nabuhayan sila ng loob mag-aral kasi nakita nila na nagkayanan ko maging guro na halos magkapareho ang buhay namin noon.

CHAPTER XII: Pagpapaturo sa isla-2:

Yong sampung yon ay ginawa kong little teachers. Gagamitin ko ang galing nila sa pagbasa at pagsulat. Ipapadama ko sa kanila ang trabaho ng isang guro. So may groupings na , lahat ng matatanda at mga bata ay magkasama lahat. Lahat sila magkapareho ang leksyon kasi ni pangalan nila or any letter of the alphabet ay di nila maisulat. Two main groups ang ginawa ko para maggamit ang dalawang classroom. Sa sahig sila umuupo at ang iba naman ay gumawa pa ng sarili nilang upuan. Unang araw ay basic muna ang pinag-aralan nila, magsulat ng pangalan , magbilang atb. After two days ay pagbabasa na ng simpleng words. Madali naman sila matuto. Pagminsan mas magaling pa ang mga apo nila. Magkaclassmate silang lahat. After three to five days ay adjusted na sila sa pagbasa at pagsulat. Kinategorize ko na sila by Grade level. Yong iba kasi mayron ng background sa pag-aaral sa ibang isla. So nagqualify sila mula Grades 1 to Grade 5. After 3 weeks ay bumalik ako sa Division Office para magsubmit ng assessment report. Masaya ang mga supervisors malaman ang sitwasyon na may nagre-open na sa school since its closure in 1972. Noon daw kasi, may mga guro sana na tumanggap ng assignment doon pero hanggang sa gitna ng biyahe lang. Dala ng hirap sa pagpunta sa islang yon, malalaking alon ang daanin. Dahil armado ako sa paghihirap noong bata pa ako, nagamit ko ito ngayon. Magagandang balita lang ang nireport ko doon, yong mga masasamang pangyayari sa akin ay di ko sinasabi sa public. Ngayon lang sa pagsulat ko dito. Gusto ko bigyan ng magandang image sa islang yon. nagdala ako ng mga pictures ng beach nila , blue and green crystal waters, corals, fish lahat ay makikita mo sa tabing dagat, daig pa sa beach ng Boracay. Ngunit ang puso at isip ko lang ang nalalaman ang pait at hirap ng trabaho sa pagtuturo doon. kailangan lang talaga maintindihan at isapuso ang layunin ng buhay natin dito, ang magsilbi sa kapwa. Pagbalik ko , may dala dala na kong Plastic Bowl para sa CR na hiningi ko sa City Health, then bunili ako ng 2 galon na pintura galing sa sarili kong pera para maipinta ang school. Pagdating ko ay araw ng linggo at pininta namin ang school. Tapos nag start na ang paggawa ng butas para sa CR. Nagpaputol ako ng Kawayan para sa Flagpole. First time nila makikita ang bandila ng Pilipinas (na dala dala ko pa rin ngayon dito sa Japan at nagkadisplay sa kuwarto ko. Dinadala ko rin ito tuwing babiyahe ako kasi simbolo ito ng paghihirap para sa bayan). Ganon lumipas ang mga Araw at hanggang umabot na ako doon ng Isa't kalahating buwan nang isang araw......


" Alright class, sino ang ating pambansang bayani?" tanong ko sa kanila.." Ako, ako ang bayani dito...he he he he!!!" Sagot ng isang lalaking binatilyo na ang bahay ay sa hrap lang ng paaralan. Di siya pumapasok doon kasi nag-aaral daw siya sa kabilang isla. Umupo siya sa pintuan at inulit ulit niya mga sinasabi ko na para bang nang-aasar. Dahil sa tao lang ako at napapagod na din, di ko nagkontrol at sinabi ko..." Boy, ikaw na lang kaya ang magturo doon sa kabilang room. kasi Nagsusulat pa sila. Ang ginagawa ko kasi, magturo muna sa isang room then bibigyan ko ng activity , taposs lilipat na naman ako sa kabilang room. " Matalino ka pala..puwede natin gamitin yan dito"....sabi ko. sa totoo naman ay matalino ang batang yon. Marunong nga mag English. Maya-maya pa ay umalis na siya at tinuloy ko ang pagtuturo. Ilang sandali pa ay bumalik siya may dalang itak. " Lumabas ka dyan, papatayin kita! " Di ako lumabas. I close the door at tinadyakan niya ito. dahil sa paggugulo niya, kinacel ko muna ang klase at pinuwi silang laht. Ang mga magulang at ibang mga tao doon ay di kasi palaaway at parang di marunong mag-away...sanay sa takot dala na rin ng mga pagpunta sa kanila ng mga armadong tao.Di ako magkalabas kasi talagang may hawak siyang itak.

CHAPTER XIII: Pagtuturo sa isla-3. " Lumabas ka dyan, papatayin kita! " Di ako lumabas. I closed the door at tinadyakan niya ito. dahil sa paggugulo niya, kinancel ko muna ang klase at pinuwi silang laht. Ang mga magulang at ibang mga tao doon ay di kasi palaaway at parang di marunong mag-away...sanay sa takot dala na rin ng mga pagpunta sa kanila ng mga armadong tao.Di ako magkalabas kasi talagang may hawak siyang itak.Sinira ko ang pinto at nagdadasal na sana di hahantong sa masama ang pangyayaring yon. Di ako nagkakain. Maya maya pa ay binabato niya ang bintana kasi gusto niya, umalis na ako. Sabi ko ano ba ang problema mo? Nandito ako para tulungan kayo. Itinataya ko ang career ko para sa inyo. Dpat nga sa bayan ako magtuturo pero tinanggap ko ang mission na ito para sa inyo. " Sana di mo na lang tinanggap katulad ng mga ibang teachers noon.Ikaw pa lang ang may lakas ng loob guluhin ang buhay ko!" sabi niya. Nagtaka ako bakit ganon ang mga sagot niya. maya maya pa ay to the rescue na ang kakampi kong Presidente ng mga parents at saka pa siya umalis. Sabi ng lalaki :"Huwag na huwag mong ituloy ang pagtuturo dito kundi papatayin kita!" ....Ang sandaling yon ay kinuha ko ang class record ko at sinunog ko dala na rin ng tension at pagod at frustration, awa sa mga ibang myembro ng community nila. Dinala ako ng presidente sa kanilang bahay habang mainit pa ang issue. Cancel muna ang klase. pero nilihim ko ang lahat ng ito sa mainland. walang nagkakaalam ang mga banta at pangyayari. Ang tanging dala ko ay ang aking konting damit. laht ng paers ko ay iniwan ko sa room (Birth Cert.,at ibang papeles).Pagkagabi ay nandoon ako sa bahay ng Presidente na malapit lang sa dagat. Ikinuwento sa akin ng presidente nila na away sa lupa pala ang dahilan. Walang sino magkapagturo doon dahil nandoon yon lalaking yon nagbabanta. Kaya pala sa harap ng school ang bahay niya kasi tatay niya ang nagdonate ng lupa sa gobyerno para itayo ang school na dapat ay parte niya yong lupa. Nilakaran ko na kasi ang Donation of deeds ng lupa at tuloy na talaga nadonate sa school. bago ako dumating, pending ang donation kasi wala ngang nagkaklase doon, so may chance sana na mapunta sa kanya ang lupa.

Kinabukasan ay July 29 at 24th birthday ko. Sabi ko sa presidente, pagkihatid ako sa Mainland kasi birthday ko. May bibili lang ako. Ayaw niya at baka raw di na ako babalik. umiiyak siya. Siya na lang daw ang bibili. Maya maya pa ay nagpaalam ako na pupunta ako sa tabing dagat. Narinig ko ang sigaw ng lalaki mula sa malayo na pinapaalis na ako kasi baka may mangyari sa akin. dahil sa takot at baka di ko na matulungan family ko at ibang gustong mag-aral, Tumakbo ako at sadyang plano ng diyos na may papaalis na bangka.....di na ako nagpaalam na sasakay ako kasi estudyante ko yon nagmamaneho. Hinawakan niya kamay ko at isinakay sa bangka at dinala sa Mainland ng Vitali. Ngunit di ko pa sinabi sa District Supervisor ang issue. Umuwi ako sa amin. Di na ako bumalik doon at sabi ko sa division office, may nagbabanta sa akin, kung puwede huwag na sabihin sa ibang mga teachers. Noong nasa office ako, dumating ang Presidente nila at 3 pang parents. Nagrequest sila sa Opisina na pabalikin ako kasi pinaalis na daw nila ang lalaking yon wla na raw doon at pumayag sa wakas na may magtuturo doon. Sabi ko masaya na ako nagkapag-umpisa doon. Maganda na ang record ng school na yon at sa palagay ko ay marami nang papayag na magturo doon. Dahil sa pagpost ng magagandang pictures about the island and people doon, may pumayag na rin ibang teachers na mag assign doon, ngayon ay lima na sila doon nagtuturo.Pinakuha ko sa kanila ang aking Birth Cert. kasi gagamitin ko.


CHAPTER XIV: Pagtuturo sa bundok-1..

A month later ay tinawagan ako para magturo sa Bundok,,,sa ]Davuy Elementary School. Habal habal ( Single na pampasaherong motor) ang gamit papunta sa bundok at isang oras ang biyahe. 30 to 45 degrees ang angle ng daan pataas. Madulas , maputik. Mayron nang school doon at may Teacher Incharge, may 5 guro at pang anim na ako. Tinanggap ko ang assigment dahil sanay naman ako sa pag akyat ng bundok. Di ko na inisip ang mga talents ko sa pag emcee atb., basta lang may trabaho ako at magkatulong sa mga bata. Pagdating ko sa taas, strict ang kanilang Teacher Incharge. Sa mga rooms sila natutulog. Pagdating ko, nakita ko may dalawang concrete buildings at isang room na gawa sa sawali at lupa ang sahig. Yon daw ang unang classroom noon doon at doon daw ako mag-stay. Sabi ko, ibang kalbaryo na naman ito.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

CHAPTER XV: Pagtuturo sa bundok-2:

September 1995 nga po ay na assign ako sa Davuy Elementary School. Sampung kilometro ang layo mula sa main road ng Barangay Vitali(http://www.zamboanga.com/html/area_m...satellite1.htm). Kung dati ay tricycle at bangka ang gamit ko papunta sa isla , ngayon ay tanging Single Motorcycle na malaki or lalakarin ang paraan sa pagpunta sa taas. Maputik, lubak lubak, nakakatakot at madulas ang daan pataas. Ang location ng School ay para bang puwede mo nang sungkitin ang langit.

Sa unang araw ko pa lang doon ay kitang kita ko ang kahirapan ng mga bata. Financial, pagkain, electrisidad, malayo sa balita at kahit ang radyo doon ay mahirap magkakuha ng signal. Ang tanging enjoyment ng mga tao doon lalo na mga binata ay ang pagkakaroon ng sayawan sa school pag may fund raising. Nagkikita ko ang mga binata na karamihan hanggang Grade 2 lang ay abalang abala sa pagtatanim. Tapos kung may balitang may sayawan, excited na sila bumaba sa Vitali para bumili ng damit. Isang araw bago ang sayawan ay handa na sila. Kitang kita ko rin ang istilo ng pagsayaw nila, kahit mga lalaking binata ay may magkaluma pa rin ang sayaw dahil mga matatanda ang mga kasama nila doon. nagkakatuwa't nagkakalungkot isipin ang kanilang buhay dahil naging kontento sila sa kung ano lang ang mayron doon. Di sila nagsikap na magadventure sa buhay at hanapin ang wala sa kanila.

Bumalik tayo sa buhay sa school. Ang mga bata doon ay mahirap na mahirap din talaga. Doon ko nakita ang sarili ko. Sila ang naging salamin ng buhay ko sa elementarya kaya todo awa ang dama ko. Ang tulugan ko ay doon sa lumang room na gawa sa sawali, tumutulo pag ulan at lupa ang sahig. Ganon daw talaga, pag sino ang bagong dating, doon daw muna at pumayak na lang ako. Naglagay ako ng kahoy sa isang silid para may tulugan ako. Ang pagluluto ay gamit ang tatlong bato na parang boyscout.

Mas mahirap ang buhay ko dito kaysa doon sa isla. Dahil sa walang ilaw sa gabi, di ako magkakagawa ng lesson plan ko. Anyway, memorize ko ang tinuturo ko. Alam ko kung ano ang dapat ituro sa mga bata kahit walang nagkasulat na lesson Plan. So pag oras ng klase, ako ay nagtuturo, nagsasalita sa harap ng pisara. Bahala na wala kong handwritten lesson plan, basta may libro ka, alam mo ang topic for the day, and thats enough. Syllabus lang ang kailangan para sa akin given that situation na di kami magkasulat sa gabi kasi ang hirap ng ilaw. Malakas ang hangin at namamatay ang lampara. Lahat ng teachers doon ay nagkatira din sa kanikanilang silid ngunit ito ay gawa sa semento. Every friday afternoon kami bumababa sa City proper at umaakyat every Sunday morning. Isa lang kasi ang bumabyahe doon dala ng hirap papunta sa taas. Pinsan ng Teacher incharge ang driver na yon. Sa pag-uwi sa bayan on fridays, sabay kami sumasakay around 3:00 PM. Usually, 6 PM na ako magkababa at laging last trip ang nasasakyan kong Bus Liner from Vitali to the City proper.

Isang sunday, Pagdating ko sa Vitali around 10:00 AM ay hinanap ko ang Halhabal ( ang tawag sa motorsingle na yon) ngunit wala ito. May sakit daw ang driver . Nagtanong ako kung nagk-akyat na ba ang ibang mga teachers, sabi ng mga tao doon ay umakyat na raw dalawang oras na ang nagkalipas. Sabi ko paano? Yong driver daw na naghahatid sa amin. Pero pagbaba daw eh sabi di na magbiyahe kasi may sakit.Wala kong ibang choice. Sabi nila na mag absent na lang ako kasi may valid reason naman na walang biyahe. Eh papaano ang mga bata doon? Sabi ko maglakad ako. Sabi nila, sir di mo makayanan yon. sabi ko sanay naman ako. Inumpisahan ko ang paglakad ko around 10:30 AM., maiinit ang araw. Dala dala ko ang mga gamit sa pagtuturo, 5 kilong bigas at delata. at 11:00 AM ay natapos ko na ang 2 kilometro. mahirap kasi pataas ang daanan. May walong kilometro pang natira. Tinuloy ko ang aking paglalakad habang kumakanta ang paboritong kanta ng lolo ko noon hanbang kami'y naglalakad sa bundok. kaya lumalakas ang loob ko(1995 ito, buhay pa lolo ko..namatay siya 1998). walang katao tao sa daan, puro mga puno, ibon, marka ng truck ng mga illegal loggers...maya-maya pa ay nabigla ko nang..............


XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

CHAPTER XVI: Paglakad ng 10 kilometro....

Ganon nga yon nangyari, kumakanta ako para mawala ang takot ko sa daan. Baka kasi ako makidnap kasi usong uso ang kidnap sa mga teachers noon at pinapatay. 11:00 AM ay medyo mabilis ang aking paglalakad. Wala akong ibang nakikita kundi mga puno, ang dagat na tamw ko ilang milya ang layo mula sa bundog, mga ibon at tinig ng mga insekto....nang..... parang may sumusunod sa akin.....ayaw ko tumingin sa likod......binilis ko ang aking paglalakad...pabilis nang pabilis habang dinig ko ang tunog sa aking likod na may sumusunod sa akin....natatakot na ako...Bigla ko naalala ang turo ng lola ko..."Panginoong Jesus, ilayo mo ako sa takot at sayo ako kumakapit habang buhay..Amen"...dasal ko na turo ni lola. Di ako magkalingon kasi baka mawala ang balanse ko sa paglakad pataas at nakalagay ang bigas sa aking balikad. Di ko alam kung ano yon basta nawala na lang bigla.

1:30 Noon ay natapos ko ang 6 kilometers na paglakad. Pagod kasi pataas. Hanggang sa dumating na ako sa lugar na maputik...nabaon ang sapatos ko sa putik....medyo nawawala na ako sa balance...sige pa rin ang lakad nang bigla akong nahilo dahil sa gutom. Pinalakas ko ang loob ko kasi kung hihinto ako, baka tuluyan na di ako makarating sa school. Tinuloy ko pa ang paglakad kahit nahihilo. Sa lakas ng loob ko ay narating ko ang school nang alas 3 ng hapon. Nakita ko nagkasayahan ang ibang mga teachers. Kinumusta ako ng Teacher Incharge .Mabait siya. Nakita niya kasi na hindi ako sumusuko sa pagsubok. Baka akala niya mag absent ako(Kaya nga dito sa Japan kahit may Gout ako pumupunta pa rin ako sa school,kasi nakasanayan ko na).

Dumeretso ako sa tulugan ko at nagsaing ng kanin. Nang maluto na ay nagbukas ako ng sardinas at kumain.

This time ay mag 4 months na ako sa serbisyo at matatanggap ko ang suweldo ko for 4 months. ganon kasi noon, pagbago pa ay di pa magkatanggap ng suweldo agad agad. Nang matanggap ko ang payroll, nakita ko na tatanggap ako ng P26,000. malaki na yon noong 1995. Ang saya ko. Nang natanggap ko na ang pera, kinuha ko ang lista ng mga utang ko noong wala pa akong suweldo, aabot ng P19,000. P7,000 na lang ang natira at least wala na akong utang.

The following week may may District meeting kami sa Vitali Central School na siyang pinakasentrong paaralan. Maraming mga satellite schools at isa na ang sa amin.

Lahat ng teachers ng Vitali District mula sa 26 schools (http://zamboanga.net/CitySchools.htm) ay magtitipon at mag discuss ng mga issues that affect the educational system and other topics. May mga speakers doon na mga Regional Supervisors. During the meeting, panay ang taas ko ng kamay at nag-eexplain ng mga ideas ko about the topic...nang..." Who is this teacher? Why is he teaching here? I want him to be trasferred in the City Proper. I want him to be assigned at the Regional Leader School ( saan nga ako nagturo ng High School from 1996 to 2005)..." sabi pa ng Regional Supervisor. Sabi niya marami raw akong ideas na hindi talaga magagamit doon sa lugar na yon dahil nga kulang ang resources sa mga bundok.That very day ay hindi na ako bumalik sa taas. Masakit na naman ang dibdib ko na hindi ako nagkapagpaalam sa mga students ko. Pag-uwi ng mga supervisors ay sumama na ako. Nagpasalamat muna ako sa Teacher incharge namin sa acommodation and everything that I've learned from my experiences doon sa school na yon.

Since 1996, doon na ako sa City proper na malapit sa family ko. Mas nauna pa ako bumaba kaysa doon na 15 years in service na. Ang trend kasi is kapag bago pa sa service, sa malayo ka i-assign..then after 3 to 4 years, pag ok ang performance mo, puwede ka magrequest ng transfer na medyo lalapit konti...ang mas matagal sa serbisyo ay siyang nagkakapunta sa City Proper. nagpapasalamat talaga ako doon sa Supervisor namin. Hindi ko rin siya pinahiya sa kanyang recommendation na itransfer ako. naging very visible and busy teacher ako doon sa school at maging sa buong zamboanga City. Naging edge ko ang aking mga experiences na minsan ako lang nagkakapagbigay ng example sa issue na galing sa aking experiences. Kaya, mas maraming experiences, mas maganda. Kung di man maganda ang experience,learn from it and next time, mas aware ka na kung ano ang mali sa particular situation. Huwag matakot mag venture sa bagong mga gawain at situation kasi that can be the best learning experience. Mas maganda kasi pakinggan pag nagsasalita ka na...." According to my experience...." kay sa ..." According to the experience of Mr./Miss....."...Hindi po ba?


CHAPTER XVII: Ang unang pagpunta ko sa Japan:

March 2005 ay nagkaroon ng Regional selection ng mga teachers all over Region IX para magrepresent ng Philippines sa JICA Youth friendship Program 2005 to be held in Tokyo Japan.This one-month programme in Japan will aim to discuss problems and solutions that Japan and Philippine Education are facing and also to promote camaraderie between the participants.

More than 50 teachers mula sa Region IX ay nagsubmit ng mga credentials sa mga Panel of interviewers coming from different agencies. After ng interview, pumili sila ng lima mula sa Region IX at isa na ako doon. Dinala ang papers namin sa Manila for the national selection. Out of more than 1,000 applicants throughout the Philippines, ay pumili sila ng 200 finalists, isa ako doon. then 100 finalists, isa ako doon, then dinala raw ang papers ng 100 top applicants sa JICA tokyo Japan for the final selection, This time pipili sila ng 21 teachers to comprise the Philippine delegate na sila ang pupunta sa Japan ( all expences and allowance paid by JICA Japan) from May 11, 2005 to June 2, 2005. After three weeks....."Cring, cringggggggg..." nag ring ang celphone ko at....Hello, is this mr. Joseph de Leon? I am Miss Erice from DFA Manila ang congratulations, you were chosen to go to Japan and attend the JICA Seminar"........Ang saya ko at nagpasalamat ako sa diyos. This will be my first time to get out of the country, tapos libre pa. First week of May 2005 ay lumipat ako and three other teachers from Region IX to Hyatt Hotel Manila for our Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS). During the PDOS, ay kailangan namin mag-elect ng set of officers na siyang maging leaders ng grupo pagdating sa Japan. Dahil panay ang bigay ko ng ideas during the seminar, ako ang binoto nilang Presidente ng grupo.

May 11, 2005 at 2:30 PM ay ang flight namin papuntang Japan ( 21 teachers). Hinatid kami sa NAIA ng mga JICA Manila officials at 10:00 AM. Pagpasok na namin sa Immigration Control Officers Area, ako ang huli sa linaya kasi ako ang presidente, gusto ko masiguro na lahat ng 20 kong kasama ay nagkapasok na. Pagdating sa akin, ako na ang magbigay ng passport. Tinanong ako kung sa givernment school ako nagtuturo. Sabi ko naman, yes . Hinanap ako ngayon ng Authority to travel from my School. Kailangan daw yon. Hinanap ko sa handcarry bag ko, eh wala doon. Nandoon pala sa Checked-in Baggage ko. Then Lastt call na for all passengers. Pumunta na ang mga kasama ko sa waiting area ng eroplano. Di ako papayagan ng Immigration officer magkaalis without that paper. Sabi ko sa sarili ko, di ako papayag na hindi ako magkasama...Tumakbo ako palabas at kinausap ko ang Officer assign sa mga baggage kung puwede kunin ko ang paper sa baggage ko. Sabi niya ok daw. Bumaba ako sa may undeground ng NAIA saan pinapasok na ang mga baggages sa loob ng Cargo Van. Dala dala ko ang aking Baggage Slip stub at kinausap ko ang mga trabahador kung puwede hanapin ang bag ko. Di na daw puwede kasi nagkaclose na ang mga Van except isa na lang ang icloclose pa. Sabi ko, Lord, if this is for me, let it be done. sa dami ng mga bags, impossible na mahanap ang bag ko in seconds. Last call na for all passengers...kailang an na mag board the plain kasi 2:00 PM na. Pagsira na nila ang last van...."Please stop...yan po ang bag ko sa harap.Tumagbo ako at ang hinahanp kong papel ay nagkalabas na sa zipper ng bag (nasira na pala ang zipper ng bag dahil tinatapon lang nila mga bags sa Van doon sa baba...) Hinila ko ang papel bago ito maclose. talagang gawa ni lord yon. tumakbo ako pataas, mahaba na ang line sa Immigration Control counter. Kung mag line uli ako, di na ako aabot. Sumenyas ako mula sa likod para makita ako ng Immigration officer. Inutusan niya ang guard kunin ang papel at pinapasok na ako. tumkbo na ako at last cal na ang name ko. that was an experience na Ang bait ni Lord.

Pagdating namin sa Japan ay sobrang saya namin. Sabi namin parang may aircon ang buong japan...malamig kasi at first time namin. Dinala na kami ng JICA Officials sa JICA Training Center. Nag attend ng 20 minute Orientation at pinapunta na kami sa aming sleeping quarters ng JICA to take our supper and sleep.

The following day nag start na ang traning seminar namain. Pinuntahan namin ang Buong Tokyo, mga schools, Diet house and we have seminars on Education and other issues. Pumunta kami sa Naruto, Mount Fuji atb. Ang kasama namin ay mga Japanese English teachers.

Isang gabi during our get together party with our Japanese teachers counterparts, ay may isang Japanese na nagsabi tungkol sa ALT work sa Japan. 10 kami ang sinabihan niya. Then he gave us an address of the English company ( www.heart-school.jp) kung saan kami puwede mag apply. Sabi ng mga kasama ko, impossible daw yon magkapunta kami kasi the following day ay may seminar pa kami. Sabi ko, opportunity knocks but once, I want to take the challenge to set an appointment for tomorrow and I want to have an intreview. Sabi ng bagong friend namin na si Yuya, tatawagn niya daw ang Director ng Heart School sa oras na yon. So nagkaset na ang appointment ko. Samantala ang iba kong kasama ay humindi na kasi nga di namin alam ang lugar. Basta ang binanggit ni Yuya ay Mito city Ibaraki ken. " we have special announcement. Tomorrow's schedule is cancelled because we are all tired today, its a long trip." sabi ng seminar incharge. ang saya ko. nagkataon talaga sa appointment ko.

Kinabukasan, 6:00 AM pa lang ay umalis na ako ng training center . dala dala ko ay passport ko , 8,000 yen at ang address ng company. Nagsimula ako magtanong sa train station, nagsimula ang pagsakay ko ng train mag-isa for the first time. Hindi ako marunong mag Japanese that time. Akala ko malapit lang ang lugar. Pinagpalit palit pa ako ng train. Nawala wala ako sa daan. At 1:30 PM ay dumating ako sa Mito train station. Humingi ako ng tulong sa Train station officials na tawagin ang director ng company na pupuntahan ko at sabihin nasa train station na ako. Kinusap ako ng Director at binigyan ako ng verbal instruction kung saan dadaan. at 2;00 Pm ay dumating na ako sa office. Mayron doon mga Americans and australians waiting for their turn to be interviewed. Noong time ko na mag-interview, isa sa mga tanong ay kung paano ko makuha ang attention ng mga bata na mag-ral ng english. sabi ko I will use Games approach. Ang mgabta kasi ay gustong gusto maglaro. But in my class, Gagamitin ko ang english lesson as an obstacle for them to play the game...etc. " You are hired..."Ang saya ko at sabi ko I have to be back in the Philippines before I can teach. Sabi nila I have to send my credentials to them para sa pag-apply ng Certificate of Eligibilty. Gabi na nang lumabas ako. this time, di ko alam kung paano bumalik sa Tokyo.....


CHAPTER XVIII: Pagbalik sa Tokyo at pagpatuloy sa seminar.

Paglabas ko ay madilim na at may halong kaba naman ako kasi may meeting ako with the JICA Coordinators sa gabing iyon. May 2 oras na lang ako natira bago ang meeting ko sa JICA ( Japan International Cooperation Agency). Samantala it took me 6 hours to come to Mito City from Tokyo dahil sa hindi ko alam kung anong Train ang sakyan ko. This is my 2nd week pa lang sa Japan at zero knowledge ako sa pagtravel dito. Ngunit sa pagiging adventurious ko, nagagwa ko ang pagtravel na ito .Pagdating ko sa Mito City Train Station, habang ako ay kukuha sana ng Ticket sa ticket machine, May nagtanong sa akin kung paano kumuha ng Ticket papuntang Tokyo. English speaking siya from India. Bago din siya sa Japan at nagtotour lang siya. Sabi ko naman ako rin ay first time. Di ko rin alam, at ako rin ay hindi marunong bumalik sa Tokyo. Sa totoo lang ay kailangan ko magkarating sa Tokyo within 2 hours but seems impossible kasi I will be taking the local train. Sabi ng lalaking Indian (on his early 50s) kung puwede sabay na kami sa Bullet Train at siya na ang mag treat sa akin papuntang Tokyo. Gusto niya raw magkaroon ng bagong kaibigan mula sa Philippines (after knowing I am a Filipino). Kabisado noya daw ang Tokyo at alam niya ang JICA Office kasi dati raw siya nag seminar doon. Sabi ko siya ang angel na pinadala ni Lord. After 45 Minutes ay nasa Tokyo na kami. Nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam after niya ako ihatid sa JICA office. Nagbigay ako ng Native Key chain na galing sa Pinas.

Pagpasok ko sa receiving are ng JICA, nandoon lahat ang mga kasamang teachers..." Oh Joseph...anong nagyarai? Bakit wholeday ka nawala. May nagsabi na nag-aapply ka ng work? Anong nagyari? " tanong nga mga kasama ko. "I was hired!"....sagot ko sa kanila. Ang saya nila at sana raw sumama din sila.


June 2, 2005 ay end na ng seminar namin...Lahat nag empake, nagyakan sa aming mga new friends.... Ang mga kasama ko ay nalulungkot kasi baka di na sila magkabalik sa Japan kasi nga mahal ang pamasahe. Samantala ako naman ay di masyado nalulungkot kasi schedule ko bumalik sa darating na August na yon. So after two months sa Pinas, ay puwede na ako magbalik sa Japan para magturo. Hihintayin ko na lang ang Certificate of Eligibility ko.

After two months nga sa Zamboanga City, and after communicating with the employer through emails, ay dumating na ang certificate of Eligibility para magkakuha ng Instructor Visa. Nagloan na naman ako para may pamasahe ako sa pagkuha ng aking VISA. Pagdating ko sa Manila , dumeretso agad ako sa Japan Embassy sa Rojas Boulevard. Pagkatapos kong pumila at sinubmit ang application ko with my Certificate of Eligibility, ay binigay ako ng claim and verification slip at babalik ako after 5 days. Tumuloy ako sa OWWA Hostel doon sa Pasig City. mura doon kasi P150. / night lang at kasya sa budget ko. Malaking kuarto na bedspacer yon doon. Sampung tao sa loob at halos lahat ay mga Seaman. After 5 days ay bumalik na ako sa Japan Embassy at nakuha ko ang aking One (1) year Instructor Visa. That was August 15 na at kailangan nasa Japan na ako by August 22, 2005. Wala akong pera pampamasahe. Pauntang Japan. Bago ako babalik sa Zamboanga para mag file ng indefinite live sa wrok ko, kailangan bibili na ako ng ticket worth P18,000 (one way) to Japan. Tumawag ako sa kung sinu-sino doon sa Zamboanga pero wala talaga puwede magpahiram. Pumunta ako sa internet cafe para magcheck ang latest instruction ng Employer ko sa Japan. Kailangan daw magdala ako ng 350,000 Yen or P150,000 para pambayad sa apartment ko at pagkain etc. for my first month stay sa Japan. Ang unang suweldo ko raw is September 20, 2005 pa . Tinanong din ako kung marunong ako magdrive ng car kasi kailangan daw yon sa working place ko. Kung hindi raw marunong magdrive, ibibigay nila ang position ko sa ibang applicant at maghintay na lang ako ng ibang bakante kung mayron. Sabi ko kailangan positive talaga ako..Kaya ko to....kakayanin ko to. Nag email ako na mayron akong ganong pera at marunong di ako magdrive (samantala kahit ni manibela di pa nga ako nagkahawag taht time.) Sabi ko diyos na ang mag guide sa akin.

Pagtingin ko sa inbox ko, may nag mail sa akin mula sa Pag-ibig Fund doon sa Zamboanga City, reminding me kung gusto ko magloan sa kanila. Kilala ko siya at naging friend ko dati. Kaya sinabi ko ang situation ko. Maya maya pa ay tumawag siya sa akin at binibigay niya ang Control Number ng Western union. Nagpadala pala siya ng P20,000. para magkakabili na ako ng ticket. Pagpunta ko naman sa SM Sucat sa ACTIVE Travel para kumuha ng ticket,impossible na daw kasi fully book na hanggang Sept. 2., 2005. Sabi ko sa isip ko, lord ikaw may plano nito, let it be done. After 2 minutes ay nagring ang telephone ng active travel, May isang pasahero for August 21 flight to Japan ang nagkacansel ng flight niya. Yon din ang araw na kailangan kong mag biyahe. So nagkabili na ako ng ticket. August 16 ay bumalik ako sa Zamboanga para maghiram ng pera worth P150,000. Alam ko in reality mahirap talaga magkahiram ng ganon kalaking halaga kasi 5 days na lang ang natitira bago ako aalis. Pagdating ko sa Zamboanga City ay dumeretso ako sa Zamboanga City High School-Main saan ako nagtuturo at pumunta ako sa Teacher friend ko na si maam Dagalea para maghiram ng ganong halaga. Medyo may kaya kasi siya at nagkapunta din siya ng Japan noon kaya magkakaintindi siya sa situation ko. Pero nagkalock ang room niya. Tapos nakita ako ng ibang teachers..." Joseph, namatay si maam Dagalea kahapon, biglaan lang". Umiyak ako kasi siya ang nagpayo sa akin about working in Japan. Nagdasal ako para sa kaluluwa niya doon mismo sa harap ng pinto ng room niya (in silence). sabi ko, be my angel.

Tapos dumating ang ate Margie ko ( ate ang tawag ko sa kanya, Disbursing officer siya ng school at may kaya ang family nila) siya ang dating magpahiram ng P500. sa akin for my birthday at maraming beses na siya nagpahiram ng pera sa akin, siya ang laging tumutulong sa akin since 1995.This time sinabi ko sa kanya ang job offer ko sa Japan at ang problema ko sa pera. That very moment, sabi niya sayang ang opportunity kung di ako magkakapunta sa Japan. August 20 na at wala pa rin akong pera. sabi ng iba mag backout na lang daw ako kasi impossible na yon. Pumunta ako sa Fort Pilar Shrine at nagdasal. Maya maya pa ay tumawag sa akin si ate Margie at pumunta daw ako sa bahay nila sa Canelar Moret at kausapin ang tatay niya na si Uncle Dumpit. Pagdating ko sa bahay nila at 5:00 PM noong August 20, 2005, at ang flight ko to Japan ay August 21 at 2:30 PM, I need to leave Zamboanga City early morning at 7:00 AM. Sabi ko ito na lang ang last chance ko. Kinausap ko ang tatay ni Ate Margie at nagpahiram siya ng P150,000. that very moment.Dahil wala siyang cash sa house that big, kaagad niya ako dinala kay Mr. Lepeng Wee na Godson niya sa kasal at naghiram siya ng part ng amount para lang mabuo ang amount na yon. Alam ko isa siyang angel na ginamit ni Lord para sa akin. Bumalik ako sa school kay ate Margie at masaya din siya. Wala na akong time magpaalam sa mga kaibigan at family ko na aalis na ako. Dumaan muna kami ni ate Margie sa Burol ni Maam Dagalea sa La Merced Funeral Home. Doon na rin ako nagpaalam sa lahat ng co-teachers ko at sa Principal ko na si Maam Eloisa Ruste. Lahat sila nandoon sa Burol. Malungkot sila dahil namatay ang co-teacher namin, masaya naman kasi magtuturo na ako sa Japan at proud sila sa akin.

Kinabukasan ay bumyahe na ako papuntang Manila.

Sa Domestic Airport ako bumaba at kailangan pumunta sa Ninoy Aquino International Airport para sa flight ko to Japan. Kumuha ako ng taxi. Habang nasa taxi ako, kinausap ako ng Driver. Sabi niya saan daw ako galing, sabi ko sa Zamboanga City. sabi niya mayron daw siya mga kapatid sa Zamboanga City. Sabi ko sinu-sino? Una niyang binanggit ang paborito niya raw bunsong kapatid na si Joseph. Sabi ko, kapangalan ko pala kapatid mo,Joseph din ako. May kapatid din kami nawawala at nagtirik na kami ng kandila kasi akala namin patay na siya, . Nagtanong siya kung anong pangalan ng kapatid ko, sabi ko Luis. Sabi niya ako si Luis....tamang tama ang pagdating namin sa Airport at wala nang oras, kailangan ko nang pumasok...nagyakapan kami at nagpaalam...umiiyak ako...Bakit ngayon pa?


CHAPTER XIX: Ang Buhay ko sa Japan bilang isang guro at ang LOVE Life ko.

Ganon nga ang nangyari sa Airport, umiyak ako dahil ang ikli ng pagkikita namin ng kuya ko na after 20 years ay doon pa kami pinatakpo ng tadhana.

August 22, 2005 ay dumating uli ako sa Narita at ngayon ,bilang isang Assistant Language Teacher (ALT) na. Dumeretso ako sa Mito City via Narita Bus Lemousine at dumating ako ng 7:00 PM. Kasama ko rin dumating ay ang mga newly hired ALTs from America, Canada, Australia at iba pang bansa. Pinatuloy kami sa isang Hotel malapit sa Company namin. Kinabukasan at around 7:00 AM ay pumunta na ako sa office at nagsign ng Unang 7 months contract (Sept 1,2005- March 2006). Pag maganda ang performance namin, ay yearly na ito irerenew. Ang Teaching area ko ay 1 hour by car mula sa Company namin. Bawat isang City/Town kasi ay isang English Teacher Lang ang ipadadala ng Company at doon manirahan mag-isa.

Maya-maya'y binigyan na ako ng susi ng car at kailangan daw ako ang magmaneho mag-isa at susunod ako sa aking supervisor na siyang maghatid sa akin sa Lugar ko . Sobrang kaba ang nararamdaman ko kasi kahit i-start ang car ay di ko pa nasubukan.

Zero experience talaga ako sa pagmamaneho although my International Driver's License ako. Pagpasok ko sa kotse (maliit lang na Kia ), ay di ko alam anong gagawain. Kinabit ko ang rosary na bigay ni lola noon at nilagay ko ito sa taas ng back mirror. Pinasok ko ang susi, tapos inikot ko ang nagstart naman. Maya maya pa ay inapakan ko na ang axel or yon sa gasolina at tumakbo na ang car. Sa kanan pa ng kalsada ang dinaanan ko, butio na lang walang ibang sasakyan dumadaan that time. Binusina ako ng supervisor ko at sumenyas na sa kaliwa ang paggamit ng kalsada.Mabilis ang takbo ng supervisor ko at ako ang sumusunod sa likod niya. Takot na takot ako kasi first time ko magdrive. Sabi ko, Lord ikaw na bahala sa buhay ko kung mabangga ako ngayon. Maya'maya pa ay bumuhos ang lakas ng ulan at may typhoon pala sa Japan. Halos di ko na makita ang daan...Sa isip ko mamatay na ako....Dasal ng dasal ako habang nagmamaneho. Tapos nakita ko may parating na malaking Truck.........

PLAY THIS MUSIC AND CONTINUE READING <object width="425" height="344"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/4i6NWZBcAdM&hl=en&fs=1&"></param><param name="allowFullScreen" value="true"></param><param name="allowscriptaccess" value="always"></param><embed src="http://www.youtube.com/v/4i6NWZBcAdM&hl=en&fs=1&" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="425" height="344"></embed></object>



Part XX:

Ganon nga yon, nagmaneho ako kahit first time ko yon. Ang qualifications kasi among others ay dapat marunong magmaneho. Dahil sa gusto kong magturo sa Japan, During the interview ay sinabi ko na marunong ako both car and bicycle.Kasi kung hindi marunong, di qualified for the position.

Nakita ko ang ilaw ng malaking truck paparating na.Dahil sa lakas ng ulan, nahihirapan ako na makita ang daan kasi hindi ko alam kung paano ifunction ang wiper.Mabuti na lang at lumiko ang truck pakanan.Wala naman sa isip ng supervisor ko na siyang naggaguide sa akin papunta ng teaching place ko.After 30 minutes of driving, parang nagkakaenjoy na kasi nacocontrol ko na ang car at nakuha ko na ang mga manipulations nito pati na ang pagggamit ng wiper. Malakas pa rin ang ulan at hangin sa mga oras na yon at di nagtagal ay dumating na rin kami sa aking Apartment. Binaba namin ang mga futon, maliit na ref at ang baggage ko at dumeretso na kami sa Board of Education para i-introduce ako. Then sa apat na schools under that Board of Education. May apat na Elementary Schools ang Town na ito (saan hanggang ngayon ay dito pa rin ako nagtuturo since 2005). 5 kilometers ang layo ng bawat schools.

Sa unang gabi ko sa apartment ay nahomesick agad ako dahil ni wala man lang ako kilala sa place na ito. Ni walang katao tao na lumalakad sa daan at ang daming uwak sa paligid.

Kinabukasan ay kailangan bumalik ako sa Mito City doon sa Company namin para sa general orientation ng mga bagong Teachers mula sa iba't ibang English-speaking countries. Pag-alis ko ng apartment ay pumunta ako sa parking area . Pagstart ko ng car, di ito umaandar. Halos mag 30 minutes na...Baka ako malelate. wala na akong ibang choice kung hindi kumatok sa ibang pintuaan sa mismong Apartment Building ko. Kaya nagkatulong sila at napaandar ang car. Kung ang papunta ko sa Apartment mula sa company ay 1 hour ang pagmamaneho. pabalik naman ay 3 hours na kasi nawala ako sa daan. Pero 30 minutes bago ang Orientation meeting namin ay nagkarating na rin ako. During the meeting, nagtanong ang Director ng company namin kung sino gusto macommute na lang through bicycle sa pagpunta sa school instead of using the car. Ngayon kasi ay masasabi na namin after seeing each teaching locations. Sinabi ko agad na ako.I prefer to use bicycle (sa totoo lang, di pa rin ako nagkasakay ng bike.) Kaya kinuha ang car sa akin (may rental fee kasi yon, 18,000 Yen/ month. sayang naman). After the meeting, Hitanid na lang ako ng Director at dala dala na ang isang mountain Bike....Sabi ko sa isip ko, sana di na niya ako pagmaneho sa harap niya pagdating sa apartment.

After 1 hour ay dumating na kami sa apartment ko. Binaba niya ang Mountain bike at sabi niya, sakyan ko raw at ipakita sa kanya ang aking pagmamaneho......

CHAPTER XXI:

Halong kaba ko sa paghawag ng manibela ng bike. Tapos sabi ko, Lord, sana sumakay ka rin at guide mo ako...Pag di kasi marunong magbike, hindi puwede magturo dito sa Town ko kung hindi marunong magbike kasi di naman siya walking distance mula sa apartment ko.

Pagsakay ko ng bike, Pinedal ko na lang.....tapos....wo w ganito pala ang pagbabike, Di ako marunong magbalance pero sa oras na yan ay para bang may sumasakay na ibang tao at ako mismo ay nagtaka kung bakit nagkakabike na ako.

Araw araw ko binabike ang pagpunta sa school na mayron 500 meters ang layo, 3 kms.,15 kms. at 18 kms. mula sa apartment ko.

Paglipas ng isang linggo, Naghanap ako internet cafe sa town ko at wala palang internet cafe doon.

kailangan ko magbike ng 20 kilometers para sa kabilang City. Hapon na ng umuwi ako at umaambon sa mga oras na yon. Habang ako nagbababike, may pumara na malaking ELGRAND na kotse at nagtanong (sa salitang English) kung puwede ihatid niya ako kasi baka aabutan ako ng malakas na ulan.

Paglingon ko, isang babae pala sa kanyang early 30's.Mukhang mayaman at sosyal. Inakyat ko ang bike ko sa kotse niya at hinatid niya ako sa Apartment.

Tapos nagtanong siya kung puwede makita ang loob ng apartment ko. Tapos sabi niya bakit wala akong mga gamit? Sabi ko naman one week pa lang ako sa Japan. Isa siyang Thai at nagnenegosyo dito sa Japan. Tapos nagpaalam na siya at kinuha niya ang number ko. Kinabukasan, pagdating ko galing sa school, nagtaka ako kasi ang daming kagamitan sa harap ng pintuan ko....


CHAPTER XXII:

Ganon nga po yon,pagkagaling ko sa school ay nabigla ako nang nagkita ko ang mga gamit sa harap ng pinto ko. May TV, Cassette, Bed, Blanket, Kitchen Utencils, mga pagkain atb. Akala ko iniwan yon ng ibang tenants sa kabilang door. Pumasok na ako sa apartment kasi pagod na pagod ako galing sa school at ilang beses din ako nadapa sa pagbabike. Maya maya pa'y may tumawag sa akin. Yon pala ay yong babaeng nakilala ko kahapon na hinatid ako sa apartment. Di nya raw ginagamit mga things na yon kaya ibibigay niya raw sa akin. Dahil sa bago pa ako sa Japan, laking tulong na rin yon. Nagpasalamat ako sa panginoon na pinadala niya ang angel niya sa katauhan ng babaeng yon. After 2 hours, around 7:00 Pm yon, tumawag uli ang babae na tawagan natin Irene, 35 years old at ako naman noon ay 32. Niyaya niya ako na magdinner sa labas. Sabi ko nakakhiya kasi wala akong pera.Ang pera ko kasi ay nagkabudget lang for one month na pagkain ko at pambayad sa ilaw etc. Galing pa Pinas yon pera ko kaya mahirap igastos dito. Sabi pa niya huwag daw ako magproblema sa pera kasi siya daw ang gagastos. Welcome dinner niya daw sa akin. Sa isip ko palakaibigan talaga siya bilang businesswoman. Pumyak na nga ako at nagdinner kami. Nakakahiya pa kasi di pa ako marunong masyado gumamit ng chopstick that time. After our dinner, hinatid na niya ako sa apartment around 11:00 PM. Pag-alis niya, nagbigay siya ng 10,000. Yen para daw pambaon ko kasi ganon din daw siya noong first time niya sa Japn, mahirap daw kaya lam niya raw ang kalagayan ko. Tinanggap ko na lang at gabing gabi na. Sabi ko saan siya matutulog eh malayo pa ang bahay niya (3 hours drive mula sa akin). Sabi niya maghanap daw siya ng hotel. Isip ko sinasayang niya pera niya..he he he. After two hours, tulog na tulog na ako. Nagring ang cellphone ko at siya pala ang tumawag around 3:00 AM. Mayron daw aswang sa bintana ng Hotel at sumisilip sa kanya. Takot daw siya. Puwede ba daw doon siya sa akin matutulog, parang awa ko na daw. Dahil sa situation niya, sinabi ko yes, ok lang.

After 20 minutes, kumatok siya sa pintuan, binuksan ko ang pinto at nabigla ako nang yakapin niya ako. Natakot ako baka may nakikita sa amin at ano ang isipin. Teacher pa naman ako sa place na yon. Pumasok na kami sa loob at takot na takot daw siya. Sa isip ko baka totoo may aswang. Pero parang imposible din. Bumaba ako sa kama (na bigay niya) at doon ako natulog sa sala. Siya naman ay doon sa kama. After 20 minutes, tinwagan niya ako at may fever daw siya, naghihingi siya ng gamot. Sakto na may dala akong Biogesic , kumuha ako ng tubig at binigay ko sa kanya. Nilagay ko ang kamay ko sa noo niya pero wala naman fever. Sabi ko parang niloloko nya ako ha. Pag-alis ko na, hinawakan niya kamay ko at sabi niya doon na lang daw ako matutulog sa kanya kasi natatakot daw siya at baka papasok ang aswang.

Ganon na nga ang nangyari at nagkaroon kami ng relasyon after that night. Sinabi niya na mahalin ko raw siya at siya daw bahala sa akin sa Japan. Hindi naman siya mahirap mahalin kahit 2 days pa lang kami nagkakilala.Kailanga n ko rin ng kasama kasi mag-isa pa lang ako at bago pa lang sa Japan.

CHAPTER XXIII:

Ganon nga po ang nangyari sa gabing yon. Doon natulog si Irene at nangyari ang di pa dapat sana'y mangyari. Kinabukasan, umuwi siya sa kanila at kinuha niya mga damit niya at dinala sa apartment ko kasi doon na daw siya tumira sa akin para maasikaso niya ako. Parang mag-asawa na kami, hindi nga lang kasal. Alam ko medyo mali ang mga pangyayaring yon, ngunit sa kabilang banda, Ok na rin yon para may kasama na rin ako at isa naman siyang mabait na babae. Nawala ang takot ko sa pagkaroon ng asawa na noon ay nasa isip ko dala na rin ng mga pangyayari sa buhay ko, ang tunay kong ina at ang madrasta ko.

Pumunta na ako sa school sa araw na yon at nagbabike lang ako. Medyo wala ako sa condition magbike dahil nga puyat ako sa araw na yon pero tinuloy ko pa rin ang aking mission sa pagtututro. Twenty kilometers ang layo ng school ko sa araw na yon (4 kasi ang schools na tinuturuan ko) kaya pagdating ko sa school ay sobrang pagot ako. Dumeretso ako sa Powder Room (kubeta) para magpahinga dahil nahihilo ako. Dala na rin yon ng init sa daan kasi summer time yon, September 2005. Maya-maya pa ay nakita ko ang mukha ko sa salamin ay nagiging dalawa, dahil sa hilo ko. Pagkatapos yon ay wala na ako matandaan at after 1 hour ay nagising ako dahil sa ingay ng school Bell. Time for my second period Class na pala. Mabuti na lang at wala akong first period class. Walang nagkakaalam sa nangyari sa akin,paglabas ko sa CR ay todo smile pa rin ako sa mga bata at mga teachers.

READ MORE: josephsdeleon.webs.com/thefounder.htm

Photo Gallery of Joseph de Leon

Add Photos to your gallery: Upload Pictures