43,102
edits
LOG IN. UPLOAD PICTURES.
The Philippines has Zambo Mart to help propagate the Chavacano Language.
Line 12: | Line 12: | ||
</table></div> | </table></div> | ||
<!--- DO NOT EDIT ABOVE THIS LINE ---> | <!--- DO NOT EDIT ABOVE THIS LINE ---> | ||
==Feature: Palakasin ang laban kontra human trafficking== | |||
*Source: http://pia.gov.ph/?m=7&r=r01&id=67737 | |||
*By: Carlo P. Canares | |||
*''December 12, 2011'' | |||
LAOAG CITY- Kamakailan ay may limang menor de edad na kababaihan ang nagtungo sa Civil Security Unit, isang opisina ng lokal na pamahalaan ng Laoag upang humihingi ng tulong matapos silang tumakas sa kanilang pinagtatrabahuan sa lalawigan ng Cagayan. | |||
Ayon kay Jennifer Ramos ng CSU, ang mga babae ay pinangakuan na maging kasambahay sa mga pamilya doon. | |||
“Subalit ang mga batang babae, mga 16 hanggang 17 ang edad, ay sapilitan pinagtrabaho sa bar sa Cagayan,” sabi ni Ramos. | |||
Sila ay biktima ng child o human trafficking. Ang human o child trafficking ay isang malaking problema ng lipunan. Ito ay negosyo ng pagbebenta ng mga bata at kababaihan. Sila ay nire-recruit at binebenta para sa prostitusyon, pronograpiya, sapilitang pagtatrabaho, pang-aalipin, pangangalakal ng mga bahagi ng katawan o organ trade. Ang mga bata ay kadalasang nare-recruit dahil sila ay na-enganyo, nakumbinse, nalainlang, nasuhulan, isinama nang sapilitan sa pamamagitan ng pagkidnap o paninindak. | |||
Ang mga ito ay dinadala sa ibang lugar o inilalabas ng bansa. Ang child trafficking ay paglabag sa karapatan ng mga bata at ito ay krimen sa ilalim ng Republic Act 9208 o ang Anti-Trafficking ini Persons Act of 2003. | |||
Ngayong araw, Disyembre 12, ay ginugunita ang International Day Against Trafficking. | |||
Malaking kita sa trafficking ang pangunahing dahilan kung bakit maraming ang narerekrut at ibinibenta para sa iba’t-ibang anyo ng pagsasamantala. | |||
Isa rin sa pangunahing dahilan ay ang kahirapan kung bakit marami ang nagiging biktima ng trafficking. Marami sa mga mahihirap ang nakikipagsapalaran at pumapasok sa kahit anong uri ng sitwasyon na sa tingin nila ay mayroon silang kikitain. | |||
Kakulangan sa edukasyon at impormasyon ay lalong naglalapit sa mga kabataan sa posibilidad na ma-traffik. | |||
Ang iba pa na mga dahilan kung bakit nangyayari ang trafficking ay dahil na din sa hindi pantay na pagtrato sa babae at lalaki; ang palasak na paggamit ng internet at modernong teknolohiya tulad ng cellphone na nagiging daan para magamit ang mga bata para sa pornographiya, cybersex at nagiging madali din para sa mga traffickers ang kumontak at manloko sa mga biktima. | |||
Ang problemang trafficking ay kailangan ng patulungan upang masugpo. | |||
Ang bawat isa ay kailangan dagdagan ang kaalaman tungkol sa trafficking. Alamin ang tamang impormasyon mula sa pamahalaan at mga mapagkakatiwalaang organisasyon tulad ng Philippines Against Child Trafficking (PACT). | |||
Mahalaga ang komunidad sa paglaban sa trafficking. Kumbinsihin ang mga magulang na maghanap ng ibang paraan upang kumita maliban sa pagpayag ng magtrabaho ang mga anak na kulang sa 18 taong gulang. Linangin ang mga kakayanan ng mga tao, magtayo ng mga naaangkop na community-based livelihood programs. Ito ang mag-aangat sa kalidad ng kabuhayan ng mga mamamayan. Sa gayon, hindi mapipilitan ang mga bata na magtrabaho. | |||
Kinakailangan na ang barangay at lokal na pamahalaan ay patuloy na ipalaganap ang impormasyon tungkol sa trafficking at makiisa sa kampanya upang masugpo ito. | |||
Dapat i-monitor ang mga nagaganap na recruitment sa komunidad. Gumawa ng ordinansa kung saan ang mga recruiter ay dapat nakarehistro sa barangay bago sila payagang mag-recruit ng mga residente. | |||
Bumuo ng mga Barangay Council for the Protection of Children na siyang tutugon sa mga usapin/pangangailangan ng mga bata, kabilang ang usapin ng trafficking. | |||
Makipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Inter-agency Council Against Trafficking o gender and development councils sa mga LGU para sa mabilis na pagtugon sa mga kaso ng trafficking at pagsasagawa ng mga programa upang masugpo ang trafficking. | |||
Palakasin ang komunidad upang labanan ang child trafficking. | |||
I-report ang mga kaso ng trafficking sa barangay, pulisya, DSWD o tumawag sa action line 1343 para sa Metro Manila at 02-1343 kung nasa probinsiya. | |||
Ang mga batang babae na nagtungo sa Laoag City ay binigyan ng tulong ng City Social Welfare and Development Office. | |||
“Binigyan sila ng counseling at tulong-pinansiyal upang makabalik sa kanilang mga pamilya sa Rizal,” sabi ni Ramos. | |||
==Tagalog News: Maagang aginaldo natanggap ng mga Laoagenos== | ==Tagalog News: Maagang aginaldo natanggap ng mga Laoagenos== | ||
*Source: http://pia.gov.ph/?m=7&r=r01&id=67606 | *Source: http://pia.gov.ph/?m=7&r=r01&id=67606 |
edits