Tambuli ng TALAVERA

Revision as of 14:46, 17 August 2013 by Hernan (talk | contribs)
→ → Go back HOME to Zamboanga: the Portal to the Philippines.

Home | Government | Businesses | Tourism | Tambuli ng Talavera | Jobs | Photo Gallery

[1]CLICK THIS THE LINK FOR YOUR COMMENTS AND SUGGESTIONS.

Tambuli ng TALAVERA

Pahayagan ng Mulat na Mamamayan ng Talavera

"THE TRUTH SHALL SET YOU FREE" John 8:32

"Vox populi, vox DEI!" Ang tinig ng bayan ay tinig ng DIYOS!


   

Hulyo 18,2013 == PROTESTA NI DATING VICE MAYOR VINCE DE LEON, BINAWI!!! Ito ang nilalaman ng order mula kay Presiding Judge ELEANOR TEODORA MARBAS-VIZCARRA ng REGIONAL TRIAL COURT, Branch 89.

 
....In keeping with the old dictum that politics is addition and to maintain political unity and stability in the Municipality of Talvera, Nueva Ecija, the undersigned has decided to forego the pending election protest with this Honorable Court after extensive assesment and consultation with his constituents, trusted political leaders and supporters. Ito ang bahagi ng Motion to Withdraw Election Protest ni Mr. Vince de Leon. Inihain ang nasabing Motion pagkaraang isa isang sinuri at binilang ang laman nang 20% ng mga Ballot Boxes at wala namang nakitang anumang anomalya sa nakaraang halalan. Dahil dito ay pansamantalang natigil ang pagkakahati-hati ng mga Taga-Talavera sa usaping pulitikal.

Nauna nang nanawagan si MAYOR NERIVI SANTOS-MARTINEZ na iwaksi na ang pagkakahati ng dahil sa pulitika at magkaisa na upang mas higit na bumilis ang pag-unlad ng Bayang Talavera, Hiniling niya ito noong July 15 sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

 
KUHA ANG LARAWAN NOONG HULYO 15, 2013 SA PAGDIRIWANG NG KAARAWN NI MAYOR VI. (Photo courtesy of Tirso Purificacion)

May 18,2013, 12:30pm: MAPAYAPANG NAILIPAT ANG 104 NA BALLOT BOXES MULA SA HALLWAY NG MUNISIPYO TUNGO SA TREASURER'S OFFICE

Nagpasya si G. LEONARDO G. NAVARRO-Acting Election Officer na iutos ang kagyat na paglilipat ng mga naturang ballot boxes upang mapigilan ang papainit na tensyon sa pagitan ng mga supporters ni Vice Mayor De Leon at mga security guards ng munisipyo. Nagsimula ang tensyon noong gabi ng Kapistahan ni San Isidro Labrador kung saan iginiit ng mga tauhan ni De Leon na pumasok sa loob ng munisipyo upang bantayan diumano ang mga ballot boxes sapagkat mayroon daw silang protesta. Ayon naman sa COMELEC, "Wala pa namang nakahain na protesta, verbal lang nilang sinabi na mayroon silang protesta."

"NADAYA KAMI! FAILURE OF ELECTION ITO, IYAN ANG SABI NG AMING ABOGADONG SI ATORNI TOLENTINO." sigaw ng mga supporters ni De Leon. "NADAYA NGA KAYO NG MGA KULDANATOR NINYO, HINDI IPINAMIGAY ANG PERA!", sagot naman ng ilang supporters ni Mayor-elect Nerivi Santos-Martinez. "FAILURE OF VOTE BUYING ANG KASO NINYO!", dagdag pa nila.

Dahil sa mga pangyayaring ito, ipinasya naman ni Chief of Police P/SUPT NICASIO P. MALAZZAB na pulungin ang lahat ng nasasangkot sa nasabing usapin. Dumalo sa naturang pulong sina Atorni Torres bilang kinatawan ni Ms Santos-Martinez, atorni Tolentino, bilang kinatawan ni Vice Mayor De Leon, Municipal Treasurer Jose M. Pancho at Acting Election Officer Leonardo G. Navarro.

Tumagal ang naturang pulong hanggang hatinggabi ng biyernes, Mayo 17, subalit walang napagkasunduan ang mga nasasangkot, kaya't agad na nag-isyu ng order si G. Navarro kaninang alas otso ng umaga at nasimulan ang paglilipat. Tinangka pa ni Atorni Tolentino na bimbinin ang paglilipat sa pamamagitan ng hindi pagdating sa tamang oras at pagtawag sa selpon na kung maaari ay siya ay hintayin bago simulan ang paglilipat, subalit hindi na ito pinagbigyan ni G. Navarro at sinimulan na agad ang paglilipat sa harap ng mga watchers ng magkabilang panig. Myrna Bowl at Ronald Navarro sa panig ni Vice Mayor De Leon, Jose L. Santos at Nerito Santos Jr sa panig ni Mayor-elect Santos-Martinez.

Sa panig naman ni Mayor Nery Santos, sinabi niya na bilang Punong Bayan at nasa loob ng munisipyo ang mga ballot boxes, "Pananagutan ko kung anuman ang mangyari sa mga boxes na iyan kaya hindi ako papayag na magalaw iyan kung walang order ang Hukuman o ang COMELEC."

May 14, 2013 NERIVI SANTOS-MARTINEZ, OVERWHELMINGLY ELECTED AS THE YOUNGEST (37) AND THE FIRST WOMAN MAYOR OF TALAVERA!

Mayor-elect Nerivi Santos-Martinez garnered a total of 33,538 vote as against her closest opponent Vice Mayor Vince de Leon's 18,519 and Renato Reynaldo D. Maliwat's 838.

On the Vice Mayoralty race, Anselmo B. Rodiel III garnered a total of 32,412, while his Ninong Manolito V. Fausto got 18,119 votes.

THE OFFICIAL RESULTS OF THE RACE FOR THE MEMBERS OF THE SANGGUNIANG BAYAN NG TALAVERA.
(1) VILLANUEVA, RYAN ARVIN R. 30,345,
(2) REYES, AMADOR ALLAN A. 28,190
(3) SEBASTIAN, EDGARDO R. 26,638
(4) SOLETA, ANGELINA A. 24,780
(5) BALDEDARA, REYNALDO B. 23,479
(6) ZAMORA, EDUARDO D. 22,568
(7) BIGCAS, ANDREI C. 22,281
(8) BALMATER, FLORENTINO C. 22,213
  • BULANADI, RUPERTO S. 21,332
  • CASTRO, RONALD V. 16,011
  • REYES, JOSE HENRY L. 15,386
  • DELA CRUZ, CORAZON S. 14,672
  • RAMOS, ANNABEL J. 14,079
  • CATAMBING, GINALYN G. 12,722
  • VALENTON, MAURICE Y. 10,126
  • NOVESTERAS, RODOLFO D. 9,662
  • DELA FUENTE, PABLITO P. 7,590
  • MESDE, ELSA B. 5,170
  • MIGUEL, DANILO S. 2,339