43,102
edits
LOG IN. UPLOAD PICTURES.
The Philippines has Zambo Mart to help propagate the Chavacano Language.
Line 12: | Line 12: | ||
</table></div> | </table></div> | ||
<!--- DO NOT EDIT ABOVE THIS LINE ---> | <!--- DO NOT EDIT ABOVE THIS LINE ---> | ||
==Tagalog news: World AIDS Day, ginunita sa Ilocos Norte== | |||
*Source: http://www.pia.gov.ph/?m=1&t=1&id=66483 | |||
*By: Carlo P. Canares | |||
*''December 02, 2011'' | |||
LAOAG CITY- Pinangunahan ng Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMH&MC), isang ospital ng Department of Health sa Batac City, ang paggunita ng pagsisimula ng World AIDS Month sa lalawigan ng Ilocos Norte. | |||
Pumasok ang mga kawani ng nasabing ospital na mayroon ‘red ribbon’ bilang paggunita at pagpapaala sa lumalalang problema ng HIV/AIDS. | |||
Sinabi ni Dr Modesty Leano, pathologist at Chairwoman ng HIV Awareness Committee ng nasabing ospital, isang lecture ay isinagawa upang patuloy na ipaalam sa tao ang tungkol sa HIV/AIDS. | |||
Ang lecture na isinagawa ay para sa mga personnel ng ospital. | |||
“Magsasagawa pa ang ospital ng lay forum at sana ay makapag-imbita ng Person with AIDS upang makapag-bahagi ng kwento,” sabi ni Dr Leano. | |||
Nagbabala si Dr Leano sa publiko, lalo na sa mga kabataan, tungkol sa mabilis na pagdami ng kaso ng HIV/AIDS sa bansa. | |||
Nagpaalala ang doktora na iwasan ang pagkalat ng sakit na ito sa pamamagitan ng abstinence, pagiging tapat sa asawa, ang hindi paggamit o pakikipaghiraman ng karayom o nahawaan na heringgilya (syringe), maagang pag-test at paggamot ng Sexually Transmitted Infection at pag-aaral o pagalam sa mga paraan na maiwasan ito. | |||
“Tandaan na walang gamot sa AIDS,” sabi ni Dr Leano. | |||
Sa lokal na pamahalaan ng Laoag, nagsagawa ng isang motorcade ang mga kawani bilang bahagi ng awareness campaign tungkol sa HIV/AIDS. Suot ang mga pulang t-shirt, ay umikot ang mga kawani sa lungsod. | |||
Isang misa din ang idinaos sa City Hall Auditorium para sa mga tao na namatay dahil sa sakit na AIDS. | |||
Magbibigay naman ang City Health Office ng libreng HIV testing at counseling para sa mga tao. | |||
Ayon kay Julie Samson ng City Health Office, ito ay isa sa mga aktibidad ng lokal na pamahalaan para sa World AIDS Month. Mayroon din silang lecture tungkol sa HIV/AIDS para sa publiko na isasagawa sa Barangay 1. | |||
Sa pinakahuling datos ng DOH, mayroon naitalang 1,669 HIV cases ngayong taon, simula Enero hanggang Setyembre. 71 dito ay naging AIDS at 15 ang namatay. Sa buwan ng Setyembre naitala ang pinakamataas na kaso ng HIV/AIDS na umabot sa 253 new cases sa buong bansa, mula ng magtala ang bansa ng HIV/AIDS simula noong 1984. | |||
Ang HIV ay isang virus na natatagpuan sa dugo, katas ng ari ng lalaki at babae. Ang impeksyon dulot ng HIV ay nangyayari lamang kung ang mga likido ng katawan o body fluids na galing sa tao na mayroon HIV ay pumasok sa daluyan ng dugo ng isang tao. | |||
Sinisira ng HIV ang ‘immune system’ hanggang sa hindi na nito makayanang makapanlaban sa mga karaniwang impeksyon. Kapag mahina na ang ‘immune system’ wala na itong kakayahan upang labanan ang impeksyon. Mas madali na itong kapitan o pasukin ng mga oportunistang impeksyon katulad ng TB o ibang sakit na maaaring humantong sa kamatayan. | |||
==Imee Marcos to PNoy: Respect rule of law in Arroyo case== | ==Imee Marcos to PNoy: Respect rule of law in Arroyo case== | ||
*Source: http://www.abs-cbnnews.com/nation/regions/11/28/11/imee-marcos-pnoy-respect-rule-law-arroyo-case | *Source: http://www.abs-cbnnews.com/nation/regions/11/28/11/imee-marcos-pnoy-respect-rule-law-arroyo-case |
edits