Difference between revisions of "Ilocos Norte News"

→ → Go back HOME to Zamboanga: the Portal to the Philippines.
1,185 bytes added ,  10:21, 24 November 2011
no edit summary
Line 12: Line 12:
</table></div>
</table></div>
<!--- DO NOT EDIT ABOVE THIS LINE --->
<!--- DO NOT EDIT ABOVE THIS LINE --->
==Tagalog news: Mga alagang hayop nabigyan ng libreng bakuna==
*Source: http://pia.gov.ph/?m=7&r=r01&id=65500
*By: Cherry Joy Discaya
*''November 24, 2011''
LAOAG CITY- Nagsagawa kamakailan ang Laoag City Veterinary Office (CVO) ng libreng pagbababakuna sa mga alagang hayop sa lungsod.
Ito ay bahagi ng programang Rang-ay ti Barangay ng lokal na pamahalaan na naglalayong tumulong sa mga barangay ng siyudad para sa pagpapaunlad sa lugar.
Ayon kay Dr. Arturo Cabello, City veterinarian, ang pagbibigay ng libreng bakuna ay mahalaga para mabigyang proteksiyon ang mga hayop at mailayo sila sa pagkakaroon ng sakit o peste na maaaring dumapo sa kanila.
Sa mga alagang aso naman ay binigyan ng bakuna para makaiwas ang mga ito sa pagkakaroon ng nakamamatay na rabis.
Isa rin ito sa mga paraan para matulungan ang mga magsasaka para ang kanilang mga alagang hayop ay hindi agarang namamatay.
Sa kabuuan, mayroong 25 baka at kalabaw ang nabakunahan sa barangay Lagui at 47 aso sa barangay 27 sa Laoag City.
Ang ganitong aktibidad ay taunang isinasagawa ng City Veterinary office kasama ang mga iba’t ibang opisina ng lokal na pamahalaan na siyang bumubuo sa Rang-ay ti Barangay.
==Tagalog news: “Mukha” ng Laoag, pinapaganda pa==
==Tagalog news: “Mukha” ng Laoag, pinapaganda pa==
*Source: http://pia.gov.ph/?m=7&r=r01&id=65313
*Source: http://pia.gov.ph/?m=7&r=r01&id=65313
43,102

edits