Difference between revisions of "Ilocos Norte News"

→ → Go back HOME to Zamboanga: the Portal to the Philippines.
1,935 bytes added ,  13:06, 23 November 2011
no edit summary
Line 12: Line 12:
</table></div>
</table></div>
<!--- DO NOT EDIT ABOVE THIS LINE --->
<!--- DO NOT EDIT ABOVE THIS LINE --->
==Tagalog news: “Mukha” ng Laoag, pinapaganda pa==
*Source: http://pia.gov.ph/?m=7&r=r01&id=65313
*By: Carlo P. Canares
*''November 22, 2011''
LAOAG CITY- Sakaling mapupunta ka sa Laoag City sa Ilocos Norte, agad na bubungad sa iyo ang isang park sa harap mismo ng Provincial Capitol at Laoag City Hall… ang Aurora Park o City Plaza.
Dito nakatayo ang isang monumento ng ‘tobacco monopoly’ na simbolo ng pagwasak ng monopolya ng tabako sa Pilipinas sa utos ng hari ng España noong panahon ng Kastila.
Dito rin sa Aurora Park kadalasan idinadaos ang mga trade fair at iba pang mga palabas. Maraming ring mga mag-aaral ang kadalasa’y umiistambay at nagpa-practice ng kanilang mga sayaw dito. Mayroon ding mga turista na nagpapalitrato at mga matatanda na nagpapahinga.
Subalit hindi na muna maaaring gawin ang mga ito sa Park sapagka’t sumasailalim ang Aurora Park sa ilang pagbabago upang mas mapaganda at maging kaaya-aya ito.
Kamakailan, naglaan ang lokal na pamahalaan ng Laoag City ng higit sa P6 milyon para sa magandang pagbabago ng park.
Sinabi ni assistant city engineer Fred Agpaoa na inaasahan nila na matatapos agad ang pagpapaganda nito bago dumating ang panahon ng kapaskuhan. Puspusan na kasi ang trabaho na ginagawa sa Aurora Park.
Nais ni City Mayor Michael Farinas na mapaganda ang park na nagsisilbi ding “mukha” ng lungsod dahil ito ang agad na makikita ng mga turista sa pagdating nila. Ang Laoag City na siyang kabisera ng lalawigan ay puntahan ng maraming turista, ng mga nag-lalakbay aral at pinagdarausan ng mga mahahalaga at malalaking pagtitipon.
Sa pagpapaganda ng park ay magkakaroon ng dalawang naglalakihan at makukulay na “fountain” at “stage” na pagdadausan ng mga palabas. Binabago na rin ang sahig at magdaragdag ng mga magagandang halaman sa gilid. Sa pagbabago na ito ng plaza ay siguradong mas magiging kaaya-aya ito sa mga turista at sa mga lokal na residente.
==Tagalog news: Palengke ng Laoag City inihahanda na para sa kapaskuhan==
==Tagalog news: Palengke ng Laoag City inihahanda na para sa kapaskuhan==
*Source: http://pia.gov.ph/?m=7&r=r01&id=65042
*Source: http://pia.gov.ph/?m=7&r=r01&id=65042
43,102

edits